Thursday , December 19 2024

Watawat sa NBI, inilagay sa half-mast

NAKIRAMAY ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpanaw ng kanilang dating director na si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, kasabay ng pagbaba sa gitna (half mast) ng watawat bilang pakikidalamhati ng ahensiya.

Si Lim ay tapat ay namuno at nagsilbing director ng NBI noong 23 Desyembre 1989 hanggang 20 Marso 1992.

Ayon kay NBI OIC Eric Distor, si Lim ay patuloy na bahagi ng ahensiya kahit natapos na ang kanyang panunungkulan sa NBI.

Ayon kay Distor, mami-miss nila si Lim sa NBI dahil patuloy siyang dumadalaw doon sa mga okasyon tulad ng anibersaryo, Pasko at iba pang aktibidad ng ahensiya.

“In honor of Mayor Lim, the NBI will observe half-mast of the Philippine flag in the head office and all its Regional and District Offices across the country,” pahayag ni Distor.

Samantala, nakida­lamhati rin ang Manila City Hall sa pagpanaw ni Lim sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw ng sikat na tower clock.

Taos pusong nag­pasalamat si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa serbisyo ni Lim para sa mga Batang Maynila na aniya’y hindi makakalimutan ng publiko magpakailanman.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *