Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

9 LSI sa Rizal Stadium nagpositibo sa rapid test  

NAGPOSITIBO ang siyam na locally stranded individual (LSI) na kabilang sa mga naghihintay sa Rizal Memorial Stadium ng sasakyan pauwi sa kanilang mga lalawigan makaraang sumailalim sa rapid test para sa coronavirus disease coronavirus disease (COVID-19).

 

Ang datos ay kinompirma ni Hatid Tulong program lead convenor Joseph Encabo at aniya inihiwalay na nila sa isolation ang mga nagpositibo.

 

Kasunod nito, isinalang rin sa confirmatory swab test ang mga nagpositibo upang makompirma ang pangangailangan kung dadalhin sila sa quarantine facility habang ang mga negatibo naman ay agad maipoproseso para bumiyahe pauwi sa kanilang mga probinsiya.

 

Base sa datos, nasa 3,800 LSI ang napauwi ng Hatid Tulong program nitong linggo.

 

Nabatid, may 1,200 LSI ang nakatakdang umuwi sa CARAGA region na sama-samang nakikisilong sa Rizal Memorial Stadium.

 

Nalaman kay Encabo, pansamantalang naantala ang biyahe ng mga LSI dahil nagkaroon ng cut-off ang mga local government unit kasabay ng pagdagsa ng mga walk-in LSIs na gustong makauwi sa kanilang lalawigan.

 

Kita rin sa ilang mga larawan sa social media na tila walang physical distancing sa naturang lugar.

 

Ipinaliwanag ni Encabo na naging mahirap ang pagsunod sa physical distancing sa loob ng stadium dahil sa pagbagsak ng ulan at kinakailangan silang maisilong lahat.

 

Idinagdag nito, naging maayos naman kalaunan at naipatupad na rin ang social/physical distancing sa loob ng stadium. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …