Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa utos ni Yorme: Magulang ng 34 pasaway inaresto

UMABOT sa 34 magulang ang nasampolan nang arestohin makaraang masagip ang 40 pasaway na menor de edad na nasa labas ng kanilang mga bahay nang madaanan sa isinagawang operasyon ng Manila Police District (MPD) at Manila Social Welfare Department sa siyam na barangay sa Maynila.

 

Sa ulat ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ikinasa ang operasyon dakong 8:30 am hanggang 11:30 am sa Barangays 228, 221, 61, 56, 55, 53, 52, 51, at 50 sa pangunguna ni SMaRT P/Maj. Raul Salle, MPD PS7 P/Capt. Joseph Jimenez, at MDSW Director Charlie Pingol.

 

Matatandaan, seryosong nagbabala si  si Moreno sa mga magulang na sila ang papanagutin sa kasalanan ng kanilang mga menor de edad na anak.

 

Nabatid, ang rescue operation sa menor de edad ay base sa IATF guidelines na nagsasaad na hindi umano pinapayagan lumabas ng bahay ang lahat ng 21-anyos pababa.

 

Ang mga magulang ng mga pasaway na menor de edad ay mahaharap sa kasong paglabag sa Ordinance no. 8243 (Anti-Child Endangerment Act); at RA 7610 Section 3 para C sub para. 6.

 

“Ang mga magulang at guardians ay isinailalim sa inquest proceeddings sa Manila Prosecutor’s Office.”

 

Gayondin ang isang 17-anyos menor de edad ay kakasuhan ng disobidience.

 

Napagalaman, patuloy ang pagsagip ng MPD at MSWD sa mga palaboy sa lansangan at dinadala sa mga pasilidad tulad ng Manila Boys at mga covered court sa Paco, San Andress at Rasac sa Alvarez St., Sta Cruz Maynila. (BRIAN BILASANO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …