Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Doktor sa JJASGH, nasawi sa COVID-19 (Bayani sa panahon ng pandemya)

KINOMPIRMA ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang na malungkot na balita kaugnay sa pagpanaw ng isang frontliner na medical doctor na nakatalaga sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) dahil sa COVID-19.

 

Ayon kay Mayor Isko, pumanaw dahil sa COVID-19 si Dr. Reino “Nong” Palacpac, isang pediatrician na naging frontliner ng JJASGH mula nang magsimula ang pandemya.

 

Dahil dito, muling pinaalalahanan ni Isko ang lahat ng medical frontliners na mas maging maingat para sa sarili kontra COVID-19.

 

Nanawagan ang alkalde sa lahat ng mga Manileño na nawa’y gawin ang kanilang ambag sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa health protocols.

 

Bilang punong tagapangasiwa ng anim na pampublikong ospital sa lungsod, kapwa nagpahatid ng pakikiramay sina Mayor Isko at Vice Mayor Honey Lacuna sa pamilyang naulila ni Palacpac.

 

Agad ipinag-utos ni Mayor Isko ang mabilisang pagpapalabas ng P1-milyon “Bagong Bayani Endowment Fund of 2020” para makatulong sa pamilyang naulila.

 

Ang  naturang benepisyo ay alinsunod sa  Ordinance 8639, na nakapaloob rin ang scholarship ng mga naulilang anak ng namatay na health workers sa Pamantadan ng Lungsod Maynila (PLM) o sa Universidad de Manila (UDM).

 

“We know that no amount of financial assistance can make things bearable for the family but we hope this simple token of the city’s love and appreciation for our doctor’s heroism and dedication to duty can somehow help,” dagdag ng alkalde. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …