Wednesday , December 18 2024
Covid-19 positive

165 nagpositibo sa rapid test sa isinagawang lockdown sa 31 barangays sa Maynila

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang 165 indibidwal makaraang sumailalim sa rapid test ng  Manila Health Department (MHD) ang 8,018 katao sa 31 barangays na isinailalim sa lockdown sa Maynila.

Base sa naitala ng MHD, sa District 1 ay 62 katao ang nagpositibo sa 3,719 na isinailalim sa rapid test; habang sa District 2 ay 6; sa District 3 ay nagtala ng mataas na 62 katao; District 5 ay 28; at District 6 ay 7 lamang.

Nabatid na ang mga nagpositibo sa rapid test ay inilagay sa quarantine isolation facility at isasalang sa swab test upang makompirma kung talagang infected sila ng COVID-19.

Nabatid, ang lockdown sa 31 barangay ay tumagal ng 48 oras at nagtapos kahapon ng 5:00 pm.

Pahayag ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Rolan­do Miranda, ang lock­down sa 31 barangays ay naging generally peaceful dahil sa pagsunod ng bawat residente sa kautusan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Una nang iniutos ni Mayor Isko ang pag­sailalim ang lockdown sa 31 barangays sa Maynila upang bigyang daan ang rapid test matapos maiulat ang pagtaas ng COVID-19.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *