Saturday , November 16 2024
liquor ban

Liquor ban tinanggal na sa Maynila — Isko

TINUPAD ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang pangako na tatanggalin ang liquor sa tamang panahon.

Ito ay makaraang ianunsiyo ng alkalde na simula ngayong Lunes, 8 Hunyo ay wala nang liquor ban sa lungsod.

Nabatid, wala nang liquor ban ngunit mananatiling  bawal ang pag-inom ng alak sa pampublikong lugar gayondin ang pagbe­benta sa mga menor de edad.

Matatandaan, minsan nang sinabi ni Mayor Isko na tatanggalin niya ang liquor ban sa tamang panahon.

Umabot sa 72 araw ang ipinatupad na liquor ban ni Isko bilang mahig­pit na pagpapatupad ng batas sa buong panahon na ang lungsod ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Tumagal ang liquor ban dahil sa paniniwala ng alkadle na ang alak ay bahagi ng bisyo at ayaw niyang mabawasan ang mga ayuda na posibleng ipambili ng alak imbes maging prayoridad ang pang- araw-araw na pangangailangan sa buhay sa panahon ng ECQ.

Sa nilagdaang Executive Order No. 26 nitong Biyernes, 5 Hunyo ni Mayor Isko, ang pag­babawal sa pagbebenta ng nakalalasing na inumin tulad ng wines, liquors at beer at iba pang katulad na nagsimula noong 28 Marso 2020 ay tina­tanggal na.

Umaasa si Domago­so na susunod ang lahat ng mga establisimiyento sa lokal na regulasyon, gayondin sa basic protocols tulad ng pag­susuot ng face mask at social/physical distancing sa kanilang  business operations.

Matatandaan, dala­wang Taiwanese national ang inaresto dahil sa pagbebenta ng alak sa kabila ng liquor ban at ipinasarado ng MPD ang tindahan sa utos ng alkalde.  

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *