Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anim na blokeng marijuana nasakote sa tauhan ng BoC

TIMBOG  sa mga oepratiba ng Manila Police District (MPD), ang isang lalaki na nagpakilalang Customs representative nang mahulihan ng anim na bloke ng marijuanana, may street value na P240,000  sa isinagawang buy bust operation sa Malate, Maynila, kamakalawa ng umaga.

 

Sa ulat ng MPD, ang suspek ay kinilalang si John Louise Camacho, alyas Budz, 24 anyos, binata, at nakatira sa #1881 Modesto St., Malate, Maynila.

 

Base sa ulat, ikinasa ang buy bust dakong 7:20 am nang madakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit si Camacho sa loob ng kaniyang bahay sa Malate nang magbenta ng isang plastic sachet ng marijuana sa isang pulis na nagpanggap na  poseur buyer.

 

Nasamsam ang anim na bloke ng marijuana na tinatayang nasa dalawang kilo at P100 marked money.

 

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Prosecutor’s Office ang suspek. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …