Saturday , November 23 2024

Liderato ni Mayor Vico ramdam ng Pasigueños

HINAHANGAAN ng marami si Pasig Mayor Vico Sotto sa kanyang ipinamamalas na malasakit upang kung ‘di man masawata ay mapigilan ang mabilis na pagkalat ng salot na COVID-19 sa kanyang lungsod.

Para labanan ang malaking panganib ng corona virus, tiniyak ng batang alkalde na buong matatanggap ng city hall employees ang kanilang suweldo.

Dahil suspendido muna ang mass transport, naglaan ang alkalde ng libreng transportasyon na magseserbisyo para sa frontline government personnel at health workers na tutupad sa tawag ng tungkulin.

Pansamatala, namahagi rin ng bisikleta ang alkalde para makatulong sa medical staff mula sa Pasig City General Hospital at security personnel ng Batas-Ciudad Enforcement Office (BCEO).

This is Pasig City’s latest move to aid frontliners after Luzon was placed on enhanced community quarantine amid the rising number of coronavirus disease (COVID-19) cases in the Philippines.

Under the enhanced community quarantine, mass transportation has been suspended, forcing health workers and even patients to walk to their hospitals.

The local government of Pasig has also has set up sanitation tents outside the City Hall and two hospitals to help curb the spread of COVID-19.

Mayor Vico Sotto also said he is preparing a purchase request for food packs each worth as much as P397 that are expected to be delivered to residents by the end of the week.

Sa halip na unahin ang kanyang sarili na magpasuri tulad sa ginawa ng ibang mataas na opisyal sa pamahalaan, nagtatag si Mayor Vico ng sanitation tents sa city hall.

Ang Pasig LGU nagtatag rin ng sanitation tents sa labas ng City Hall at dalawang ospital na tutulong upang masawata ang pagkalat ng COVID-19.

Ipinatupad din ng ating bida ang anti-panic buying and hoarding ordinance upang hindi magkagulo.

Namahagi rin si Mayor Vico ng disinfectant sprayers at protective equipment sa mga lider ng barangay.

Kamakailan ay bumili ang lungsod ng 3 DJI MG-1P octocopter drone na P1-M ang halaga bawat isa.

Ang octocopter drone na kalimitang ginagamit sa aerial photography ay may kakayahang lumipad na kargado ng hanggang 10 litro ng likido para magbuga ng disinfectant sa lawak na 6 hectares at 3 ektarya ang distansiya.

Bukod diyan, isang lumang drone ang gagamitin para sa public address at isang mas maliit na may video camera para sa monitoring.

Inihahanda na rin ang mahigit sa 400,000 food packs na nakatakdang ipamahagi sa mga residente.

‘Buti pa ang Pasig City may mga drone, ang national ay wala.

Maayos sanang maipatutupad ng gobyerno ang enhanced community quarantine sa NCR at buong Luzon kung tulad lang ni Mayor Vico ang mga national at local officials sa buong bansa.

Kaya naman may isang pribadong negosyante ang nagkusang ipaubaya nang libre ang sariling gusali kay Mayor Vico na gamiting quarantine ng 100 pasyente.

Dahil sa mabuting ginagawa, humahakot ng paghanga si Mayor Vico hindi lamang dito sa atin kung ‘di pati sa ating mga kababayan mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pero sadyang may mga nilalang na nasa tiyan pa lang yata ng nanay nila ay talagang walanghiya na, kaya’t ang mga tulad ni Mayor Vico na gumagawa ng mabuti nais nilang pasamain.

Balita natin, kinaiinggitan pa ang mabubuting ginagawa ni Mayor Vico imbes tularan.

Alin ba riyan sa mga nabanggit ni Mayor Vico ang nagawa na ng national gov’t, kung mayroon man, aber?

Kung nagkataong pasok sa age requirement si Mayor Vico na tumakbong pangulo, lalo sigurong magpuputok ang butse ng mga damuhong troll na ginagawang trabaho sa gobyerno ang maghanap ng sisiraan para makapagsipsip.

Sa tweet ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa social media, sabi niya:

“Sayang he is only 29 years old, not 39. If there is any consolation, he is the best gift ever to Pasig City.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *