Sunday , December 22 2024

Nakialam din ang tadhana sa visa upon arrival raket nina “Pisngi” at ‘Lea Intsik’

PANSAMANTALANG  natuldukan ang malaking pinagka­kakitaan ng sindikato sa Bureau of Immigration (BI) kasunod ng temporary travel ban (TTB) na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagpasok ng mga dayuhang pasahero mula sa bansang China dahil sa nCoV outbreak.

Kasabay na ipinatigil sa inilabas na direktiba ng pangulo ang raket sa visa upon arrival (VUA) may tatlong taon nang nagpapayaman sa mga tiwaling opisyal at tauhan ng BI at ng mga kasabwat na travel agency cum fixers sa Chinatown at Binondo, Maynila.

Kaya naman apektado sa ipinatupad na TTB ang talamak na human smuggling at human trafficking ‘business’ na pinagkakakitaan ng limpak-limpak na salapi ng mga tiwaling opisyal at tauhan ng BI na kasabwat ng ilang travel agencies cum fixers ng mga Tsekwa sa Chinatown sa Binondo.

Mula nitong Sabado ay libong Genuine Intsik (GI) mula sa China ang hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na makapasok sa bansa matapos ipag-utos ni Digong ang pagpapatupad ng TTB.

Napilitang magpadala ng sariling eroplano ang pamahalaang China na susundo sa mga GI na naharang sa NAIA dahil kinansela na rin ng airline companies ang lahat ng biyahe patungong China. Ang maanomalyang VUA ay nasasaad sa Circular No. 41 ay naimbento at naipatupad habang si Vitaliano Aguirre II ang nakaupong kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Sadya talagang kapag nakialam ang tadhana ay walang magagawa at makapipigil kahit pa ang mga makapangyarihang padrino ng sindikato.

Kung ‘di dahil sa nCoV ay hindi pa malulupig ang kawalanghiyaan ng sindikato ni “Dennis Pisngi” sa NAIA at ni ‘Lea Intsik,’ ang No. I travel agent cum fixer na pinapanginoon sa BI main office.

Katunayan, bago ipatupad ang TTB, ang ibang fixers sa Binondo na nagmamaskarang travel agents ay naninibugho kay Lea Intsik sa super express accommodation na ipinagkakaloob ng BI sa kanya.

Matulin pa raw sa alas-kuwatro at sa loob lamang nang isang araw ay aprobado agad sa BI ang mga dokumento basta’t si Lea Intsik ang lumakad, gaano man karami ang bilang ng turistang GI mula sa China, gamit ang maano­malyang VUA.

Isa na si “Alyas Betty C” sa mga kakom­petensiya ni Lea Intsik sa nagtataka kung bakit mabilis napipirmahan sa Office of the Commissioner ang kanyang mga dokumento, gayong pare-pareho lang naman ang halaga ng padulas na kanilang inihahatag sa BI.

Ano pa nga ba kung ‘di naghihinala siyempre ang kanyang mga karibal na posibleng unti-unti nang iniimbudo ni Lea Intsik ang raket ng VUA sa BI hanggang sa bandang huli ay ganap na niyang masolo.

Aba’y, akalain n’yo, kamakailan ay nagtangka pa raw magpatiwakal ang karibal na travel agent cum fixer nitong si Lea Intsik nang muntik tumalon sa ika-apat na palapag ng BI sa Intramuros matapos maipit ang nilalakad na papeles at hindi makarating dito ang malakihang “group tour” sa nakatakdang petsa?

Kaya naman wala nang ibang nasambit ang mga karibal ni Lea Intsik sa VUA raket kung ‘di: “WA-KA-NGA!”

Ang balitang halaga ng “toll fee” para sa proseso ng VUA ay P10,500 kada isang ulo.

Magkano ‘yan sa 300 na lang sa pumapasok na GI kada araw?

Aywan lang natin kung sa itatakdang imbestigasyon ng Senado sa pagdagsa ng mga GI sa bansa, kasama na ang mga burikak na inilalako pa sa social media ay maipatawag sina Dennis Pisngi, Lea Intsik, Betty C at iba pang sangkot sa VUA.

Karamihan sa mga naipasok ng sindikato dito sa bansa ay ilegal nang namamalagi at nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gambling Operators (POGOs) at hindi na bumalik sa China.

Ang mga nau­nang nakapasok gamit ang VUA ay nakapag-convert ng kanilang status na makapag­trabaho rito.

Isa pa sa mga dapat ipatawag ng Senado sakaling matuloy ang imbestigasyon ay si “Utorni Masiba,” ang amo ni “Dennis Pisngi” sa BI main office sa Intramuros.

Abangan!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *