Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Bato” off limits sa US

AYON mismo kay dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, kanselado na ang kanyang US visa.

Si Batogan, este, Bato, mismo ang nag-telegraph ng impor­masyon sa pagkansela ng kanyang visa na ayon sa kanya ay kinompirma ng ilan niyang kaibigan sa US embassy.

Naniniwala si Bato ang pagkansela sa kanyang visa ay kaugnay ng matinding pagkondena ng US government at ibang mga bansa sa extrajudicial killing (EJK) at human rights violation sa ilalim ng madugong gera na inilunsad ng administrasyon ni Pang. Rodrigo “Digs” Duterte kontra ilegal na droga mula noong 2016.

Sa kanyang pahayag sa media, ani Bato:

“I have heard rumors about it, but I have not received any official confirmation [from the US Embassy in Manila]. But I’m planning to send them a letter.”

Bakas na bakas ang kapaitan sa paglalahad niya ng matinding hinanakit sa pagkansela ng kanyang visa sa US.

Sa payo raw ni Senate President Vicente Sotto III na sa halip ay sa Europa na lamang siya magbiyahe, buong pagmamalaking sagot ni Bato:

“Why Europe? I would rather go to China. I could just walk along the Great Wall. That’s enough to make one happy.”

Sa tabas ng dila ni Bato, para bang malaya siyang papapasukin ng European countries na kaisa ng US sa malaking pagpapahalaga sa human rights.

Ang ibig lang sabihin, totohanan at hindi biro ang pagpapahalaga ng US at European countries sa nakaalarmang isyu ng EJK at human rights violation sa ating bansa.

Kahit ano pa ang sabihin ni Bato, hindi niya maigigiit na ang klase ng batas na kanyang nakasanayan at nalalaman ay maging kapareho lang sa US at Europe.

At gaya nang alam ni Bato, ang mapag­ka­looban ng visa ay hindi karapatan kung ‘di dis­kresyon na maaaring bawiin sa alinmang bansa sa mundo.

Palibhasa, nasanay si Bato na dito sa atin, walang bawal-walang batas, ultimo mga dayuhang kriminal ay labas-pasok sa bansa, lalo’t may pera at impluwensiya.

Ang masaklap ngayon kay Bato na naturingang senador ay off limits naman sa US, daig pa siya ng karaniwang mamamayan.

Tutal ay nandiyan na ‘yan kaya’t ituloy na lang ni Bato anoman ang kanyang paniwala at sariling paka­hulu­gan pagdating usa­­pin ng rule of law.

Sabi nga, “We are a government of laws and not of men.”

Para kay Sen. Bato, good luck sa pagpunta sa China para makapa­masyal sa Great Wall – kung kailan man iyon!

Have a safe trip at nawa ay mag-enjoy si Sen. Bato sa kanyang pagbiyahe!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …