Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca, sinisira ang sarili dahil lang sa pagseselos

SA mga hindi nakaaalam, malungkot ang pinagdaanang buhay ni Bianca Umali mula noong bata pa siya.

Kapos siya sa kalinga ng kanyang mga magulang kung kaya’t lumaking itinaguyod ng kanyang lola. Unlike kids her age, hindi masasabing normal ang paglaki ni Bianca hanggang magkaisip.

Even already in showbiz, matiyaga niyang napagsasabay ang kanyang studies. Pero in fairness kay Bianca, hindi siya ‘yung tipo ng mag-aaral na maipasa lang ang kanyang studies.

She managed to get above average grades sa kabila ng iskedyul niya sa showbiz. Palibhasa kasi ay isa siyang batang punompuno ng pangarap sa buhay.

Hindi maiaalis sa amin na ma-disorient sa tinatahak na direksiyon ni Bianca not when it comes to her career path, kundi ang tila pagka-focused niya lalo on her lovelife.

Tulad ng alam ng marami, dati silang may kaugnayan ng kapwa Kapuso actor na si Miguel Tanfelix. Kung anuman ang naging dahilan ng kanilang break-up, ang itunuturo’y ang pagiging sobrang selosa ng aktres.

The same characteristic ang walang dudang ipinakikita niya ngayon naman kay Ruru Madrid. Selos umano ang nagtulak kay Bianca para muntik na niyang masagasaan ang aktor (na itinanggi naman nito).

Nanghihinayang kami kay Bianca dahil kung tutuusi’y isa siya sa mga young prized gems ng GMA. Maganda na’y nag-uumapaw pa ang talento.

Pero kung magpapakasira rin lang siya nang dahil lang sa lintek na pagseselos na wala namang kawawaan, tiyak na may paglalagyan ang kanyang career.

Sinasayang na ni Bianca ang kanyang ganda’t telent, mukhang siya na rin mismo ang gumagawa ng dahilan para masayang ang mga oportunidad na dumarating sa buhay niya.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …