Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga corrupt sa gobyerno walang puwang kay Digong

SERYOSO ang ating Pangulo laban sa lahat ng kalokohan sa bansa lalo sa korupsiyon.

Walang pinagtanda ang PCSO at ang BIR dahil sa mga nangyaring korupsiyon sa kanilang mga hanay.

Dapat talagang maalis na sa puwesto kung sino talaga ang gumawa ng mali para hindi na madamay ang mga inosente.

Kaya ang PACC ay akitibo sa pag-iimbestiga sa mga taong gobyerno na alam nila na may kalokohang ginagawa.

At pinuri naman ng PACC ang mga Gabinete ni Pangulo na nag-volunteer na imbestigahan sila dahil alam ng tao na totoong serbisyo publiko sila kagaya nina Sec. Tugade at Sec. Piñol.

Sana nga ay may maparusahan d’yan lalo sa DPWH, DOH, PAGCOR, LTFRB at LTO.

Kaya kayong mga corrupt sa gobyerno ay humanda na!

***

Nais ko lang batiin ang isa sa magagaling na Customs employee sa Customs Subic dahil sa kanyang serbisyo publiko na ginagawa kahit may mabangga siya ay ginagawa niya ang tama.

Marami ang nagsasabi na si Ma’m Agnes ay tapat sa kanyang tungkulin kasama ang kanyang hepe na si Subic Customs Distict Collector Meeks Martin na magaling rin sa serbisyo publiko.

Marami ang hanga sa kanila lalo ang matataas na opisyal ng BoC.

May nakapagbulong sa akin na malapit sa palasyo na nasusubaybayan nila ang magandang nangyayari sa Port of Subic.

Keep up the good work po mga bossing!

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …