Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Holdaper sa Bulacan todas sa pulis-Maynila

BUMULAGTA ang isa sa riding-in-tandem makaraang maispatan ng isang pulis-Maynila ang pang­hoholdap ng dalawang suspek sa isang babae sa Guiguinto, Bulacan kamakalawa nang gabi.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Joel Aparejado, hepe ng Guiguinto Municipal Police Station (MPS), binabagtas ni P/Cpl. John Michael Dela Cruz ang kahabaan ng lansangan sa Barangay Ilang-ilang sa naturang bayan nang makita niyang hinarang ng dala­wang lalaking naka-motorsiklo ang isang pampasaherong jeep saka nilapitan at inagaw ang bag ng babaeng biktima.

Nabatid na tinangka pang humabol ng biktima sa mga holdaper na inawat ng pulis-Maynila at siya ang mabilis na nagresponde sa pagtugis sa mga kawatang naka-motorsiklo.

Nagkaroon ng habulan at unang nagpaputok ang mga suspek kung kaya’t ginantihan din sila ng pulis-Maynila hang­gang matamaan ang isa sa kanila.

Nabatid na nakatakas ang kasa­mahan ng napatay na suspek na kasalukuyang pinag­ha­hanap ng mga pulis-Guiguinto.

Nakuha sa napatay na sus­pek ang isang bag na pagmamay-ari ng biktima, motorsiklo, kalibre .38 baril, at basyo ng bala na ginamit sa pamamaril laban sa nagrespondeng pulis.

Papasok sa kanyang duty sa MPD Station 2 si Dela Cruz mula sa inuuwiang bahay sa Bulacan nang makita niya ang pangho­holdap ng mga suspek at hindi nagdalawang isip na magres­ponde sa tawag ng tungkulin.

Kabilang si Dela Cruz sa Tactical Motorcycle Rider Units (TMRU) ng MPD PS2 sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Melvin Montante. (MICKA BAUTISTA)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …