Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Pedro Penduko

James, ‘ginaya’ si Angel, spinal column problema rin

TREND setter talaga si Angel Locsin. Sinimulan lang niya iyong pagtanggi sa pelikulang Darna dahil sa kanyang problema sa spinal column na ipina-opera na nga sa Singapore, nasundan pa iyon ni Liza Sobe­rano  na nabalian naman ng buto sa kamay.

Nga­yon pati si James Reid ay may problema na rin sa spinal column kaya hindi na matutuloy iyong pelikula niyang Pedro Penduko. Ang nata­tan­daan naming sinabi noong una, nagkaroon lang ng injury si James sa kanyang balikat dahil sa training niya para riyan sa Pedro Penduko. Aba hindi lang pala balikat ang tinamaan, kundi pati spinal column.

Ang sabi nga niyong isang kaibigan naming doctor, iyang mga artista kasi madalas na mapuyat, at iyong kanilang exercise karaniwang sa gym, hindi kagaya niyong iba na tuma­takbo o nagsa­sanay sa ilalim ng init ng araw. Eh iyang mga artista, ayaw umitim kaya hindi nagpapa-araw. Maaaring naaapektuhan ang kanilang mga buto kaya ganyan. Dapat uminom ng vitamin D-3, at baka kailangan din ng calcium para mas tumibay pa ang buto.

Ang isa pang problema, mahirap gumawa ng action pictures ngayon sa Pilipinas, lalo na iyang ganyang super hero type. Ikukompara iyan sa Avengers, at ngayon may lalabas pang Spiderman. Tapos kung lalabas kang kulang sa opticals, aray, mapipilayan ka nga sa takilya naman.

May mga nagbibiro na nga, “mas madaling mapilayan na lang ang mga artista, kaysa mapilayan pa ang producers sa takilya.”

Iyong isa ngang film producer, umiiyak na dahil pilay na pilay na siya sa takilya. Kasi naman ang mga pelikula niya, bukod sa hindi kilala ang mga artista at director, ipino-promote lang sa Facebook. Ano nga ba ang aasahan mong kita?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …