ANG Filipino-Italian actor/director na si Ruben Maria Soriquez ay isa sa kontrabida sa General Commander, starring Steven Seagal. Dito’y gumanap si Direk Ruben bilang isang mafia member.
Last May 28 ay nagkaroon ng world wide release ang pelikula. Ito ay distributed ng Lionsgate, isang major American entertainment company.
Nabanggit niya na ang papel sa seryeng ito ay bilang si Santino Amato, ang kanang kamay ni Orsini na isang big Italian mafia boss na ginagampanan ng kilalang Italian actor na si Edoardo Costa.
Ikinuwento rin niya nang pahapyaw ang takbo ng istorya nito at ang role ng bidang si Steven.
Pahayag niya, “Sa General Commander, si Steven Seagal ay si Jake Alexander na isang former agent who puts up a team upang labanan ang mga pangunahing kriminal sa mundo.”
Idinagdag niyang ito ay isang maaksiyong pelikula na kargado nang sobrang gandang action scenes. Ipinagmamalaki niya na pang-Hollywood talaga ang mga makikita o mapapanood na eksena ng viewers dito. Kaya kakaiba raw talaga ang bagong handog ni Steven.
Ipinahayag din niya ang pagkabilib sa bida ritong American action star na si Steven. ”Mabait siya sa set, ngunit mahirap lumapit dahil sa four bodyguards niya na laging sa kanya ay nakatabi. At ang production, they didn’t allow any picture taking kay Steven.
“Pero masasabi ko na magaling siya at siyempre, siya ay napakapropesyonal and almost good, the first take, lagi,” wika ni direk Ruben.
Katatapos ng second edition ng EPIFF, ang European Philippine International Film Festival na co-founded niya in collaboration with the Philippine Italian Association, ng ICCPI, at ng FDCP.
Kamakailan ay gumanap din si Direk Ruben ng mahalagang papel bilang si David Pascal sa The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin. Nag-enjoy siya sa kanyang paglabas sa The General’s Daughter at aminadong na-excite nang naging bahagi nito dahil ito sa kanyang comeback sa prime time bida. Matatandaang nagmarka si direk Ruben sa seryeng Dolce Amore na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enriquel Gil.
Nakapanayam namin si Direk Ruben bago siya magtungo sa Italy at ayon sa kanya, wish niyang makatrabahong muli si Angel sa hinaharap.
Katatapos lang din niyang gawin ang tinampukang The Immortal Hunters, isang action/horror film na pinamahalaan ni Direk Paolo Bertola. Kasalukuyang nasa post production na ang naturang pelikula. Ang The Spider’s Man naman, ang comedy/thriller na kanyang pinamahalaan, starring himself, Richard Quan, Lee O’Brian, Jeff Tam, at Rob Sy ay nakatakdang i-release sa USA, Canada, at Europe ng Leomark Studios (Los Angeles).
Samantala, ang horror film na The Lease ay magkakaroon ng ibang kapalaran. Ang The Lease na tinatampukan nina Ruben Soriquez, Garie Concepcion at directed by Paolo Bertola and produced by Mario Alaman, maliban sa North America ay magkakaroon din ng theatrical release sa India (by Dhalanjay Galani, Mumbai).
“I think it’s the first time for a small independent film from the Philippines to have theatrical distribution in India,” wika ni Ruben. “We already signed the deal and I think it’s a great opportunity to showcase the Philippines there,” aniya sa kanilang pelikula na kinunan sa Tagaytay na kilala sa magaganda nitong tanawin.
Esplika niya, “I am currently working on an American TV series. It’s going to be a long process but I am very excited about it,” sambit ni Direk Ruben na hindi itinatago ang kanyang planong gumawa ng mga proyekto sa Amerika sa hinaharap.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio