KAHIT ilang araw lang napanood si Jasmine Curtis-Smith sa seryeng Sahaya, bumuhos naman ang papuri sa kanyang naging performance bilang ina ni Bianca Umali.
Maging ang sariling kapatid ng isang Kapamilya talent na si Anne Curtis nagbigay ng kanyang positibong opinion sa pag-arte ng kapatid, at nag-suggest sa pamunuan ng Kapuso Network na sana ay bigyan ang kapatid ng mas marami pang meaty roles para mailabas ang angking talent.
Hindi rin maiwasan na maikompara silang magkapatid at marami ang nagsasabing kahit baguhan pa lang si Jasmine, lutang na lutang ang galing kaysa kay Anne.
Depensa ni Jasmine, hindi sila nag-uusap o nagkukomparahan ng kanyang ate.
Iba nga man kasi ang kanyang ate at hindi rin siya singer na tulad ni Anne na nakapupuno ng audience sa Araneta Coliseum. (Joe Cezar)