Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abe Pagtama, proud sa nakuhang award ng The Year I Did Nothing

MASAYA ang Fil-Am Hollywood actor na si Abe Pagtama sa natamong tagumpay ng kanilang pelikulang The Year I Did Nothing. Nanalo itong Best Drama Award sa 2019 Independent Filmmakers Showcase (IFS) Film Festival.

Bukod kay Sir Abe, mapapanood sa pelikula sina Nora Lapena, Jared Xander Silva, Faith Toledo, Rhandy Santos at Maria Noble.

Ito’y isinulat at pinamahalaan ng Fil-Am filmmaker na si Ana Barredo, ang setting ng pelikula ay sa Manila noong taong 1985 na ang tatlong magkakapatid ay naghihintay na makapag-migrate sa America.

Inusisa namin si Sir Abe sa reaksiyon niya sa napanalunang award ng kanilang pelikula. “Of course, very excited and very proud,” tugon niya.

Esplika ni Sir Abe, “It was fun doing it. It was a surprise when we win it, but Ana Barredo, the director really have high hopes for this movie.”

Nang tanungin pa namin si Sir Abe kung plano ba nilang isali ang pelikulang ito sa mga filmfest sa bansa, sinabi niyang, “I’m trying to convince Cinemalaya to show it at special screening.”

Kumusta ang pelikula nilang Stateside na tinatampukan ni Mon Confiado, maipapalabas ba ito sa Filipinas? “The producer of Stateside, he’s actually not communicating lately with us,” aniya.

Kabilang sa aabangang pelikula kay Sir Abe ang Lumpia Vengeance. May niluluto rin sila ng anak niyang si Gabe Pagtama na isang movie project na pinamagatang Based On True Events na batay sa experience ng Filipino farm worker sa US noong 1930’s. Sa ngayon ay ginawa muna itong libro at available na sa Amazons.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …