Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2nd showbiz anniversary ni Klinton, matagumpay

MATAGUMPAY ang 2nd anniversary sa showbiz ng Ppop-Internet Heartthrobs Supremo ng Dance Floor, Klinton Start na ginanap sa Emmanuel Resorts, Novaliches, Caloocan City noong May 6, 2019.

Nagkaroon ng Ms Q & A 2019 na sinalihan ng mga beki supporters ni Klinton. Nagpatalbugan ang mga ito sa Casual Wear, Swim Wear, Long Gown, at Question and Answer. Bukod pa rito, nagkaroon din ng dalawang special awards, ang Ms Ysa Skin and Body Experts at Ms CN Halimuyak.

Tumayong hurado ang Talents Academy Director na si Jun Miguel at wife nitong si Jane Miguel; model businessman Tom Simbulan; CEO President ng CN Halimuyak Pilipinas, Nilda Tuason; Canada based Amy Tuason; Ms Diane and Sir Efren. Dumalo naman ang mga co-artist nitong sina Jhustine Miguel, Kikay Mikay, at Infinity Boyz.

Present din ang mga kamag anak ni Klinton (Mami Amy, Randy atbp.) at mga malalapit na kaibigan (Kuya Jay, Mami Thess, Sir Efren, Tom) at classmate na sina Dee, Bry atbp.

Itinanghal na Ms. Q&A 2019 si Gea Gonzales at Best in Swimsuit at 2nd runner-up si Jaztine Aguilar, Best in Long Gown at1st runner-up 2019 si Vino Gallardo, at Best in Casual 2019, Best in Talent 2019 na si Rodeo Martinez, Ms. CN Halimuyak 2019 si Roda Parker, at Ms. YSA 2019 si Justine Montañez

Ang 2nd anniversary in showbiz ni Klinton ay sinuportahan ng Ysa Skin and Body Experts, Sweet in a Box (Ms. Nerie), Magic Touche Catering Services (Kuya Jun), at CN Halimuyak Pilipinas (Ms. Nilda).

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …