Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, hindi nakikialam sa lovelife nina Arjo at Ria

PATULOY ang pagdating ng blessings sa mga-iinang sina Sylvia Sanchez, Arjo at Ria Atayde. Si Ms. Sylvia bukod sa pagre-renew ng kontrata bilang Face of BeauteDerm sa CEO and owner nitong si Ms. Rhea Anicoche Tan, ay sumungkit muli ng Best Actress award sa 5th Sinag Maynila Filmfest para sa Jesusa.

Kaabang-abang din ang pelikula niyang OFW, The Movie at ang bagong TV series sa ABS CBN titled Project Kapalaran.

Sa panayam ng press kay Ms. Sylvia sa thanksgiving na ibinigay ng kanilang pamilya, inusisa siya ukol kina Arjo at Maine Mendoza, pati na ang pagkaka-link nina Ria at JM de Guzman. Pero sinabi ni Ms. Sylvia na hindi raw siya nakikialam sa love life ng mga anak.

“Bahala sila, matanda na sila. Wala na akong pakialam sa kanila. Buhay nila iyon, ayaw kong pakialaman. Hindi ko naman talaga pinang­hihimasukan ang mga gano­ong bagay, not unless pasa­way na ang boyfriend o girl­friend nila, roon na ako nakik­ialam,” bulalas niya.

Kahit pinipilit ay umiwas din si Ms. Sylvia na mag-com­ment ukol kina Maine at Arjo. “Huwag na si Maine, kawawa na si Maine. Basta, huwag… hindi na iyan dapat pag-usa­pan,” saad ng prem­yadong aktres.

Sobra rin ang pasa­sala­mat niya sa maga­gandang nangyayari sa career nilang mag-iina. “Nagpa­pasa­lamat ako sa Diyos, sobra-sobrang pa­sasalamat. Thank you is not enough na sabihin ko sa Diyos, basta, me and my God na lang kung anoman iyon. Happy ako, masaya kami. Walang reason para malungkot ako. Napakasama kong tao para malungkot ako sa mga natatanggap naming biyaya at okay ang pamilya namin,” sambit pa niya.

Sa maraming request naman na magsama-sama sa isang project sina Ms. Sylvia, Arjo, at Ria, ayon sa premyadong aktres ay hindi pa raw ito ang tamang panahon.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …