Tuesday , August 12 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Perya ng bayan ni Peri-Peri at jueteng ni TePang todo-largado sa QC! (STL ng PCSO bagsak sa Kyusi)

TILA ‘kumakalansing na barya’ ang operasyon ngayon ng Small Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Quezon City.

Sa pagkakaalam natin, itong STL ng PCSO ay isa sa malaking pinagkukuhaan ng pondo ng gobyerno.

E paano pala kung tila ‘kumakalansing na barya’ ang operasyon ng STL sa Kyusi?!

Kaya pala parang kinakapos na ang medical assistance ng PCSO sa ating mga kababayan.

Ibig bang sabihin mas kamal-kamal ang kinikita ng mga ilegal ang operasyon?             

Mukhang kinompirma ito ng PCSO sa kanilang paid ad na Notice to the Public na nag-aabisong ilegal ang operasyon ng Peryahan Games o Peryahan ng bayan.

Ang dalawang operasyon ay nasa ilalim ng prankisa at pamamahala ng Globaltech Mobile Online Corp., pero terminado na ito dahil ang kanilang Deed of Authority (DOA) ay matagal nang napaso.

Noon pang 31 Marso 2016. Kaya ibig sabihin, halos tatlong taon nang walang bisa ‘yan.

Ibig sabihin, wala nang binibigyan ng awtorisasyon ang PCSO na mag-operate ng Peri ‘este Peryahan ng Bayan. Kahit na sino at kahit saan, dahil paso na nga ang DOA.

Bukod diyan, hanggang noong 23 Enero 2019 ay umabot na sa P506 milyones kabilang ang ipinataw na penalties, ang hindi pa rin naire-remit ng Globaltech.             

Nabisto rin na maraming paglabag sa Implementing Rules and Regulations (IRR) sa ilalim ng DOA gaya ng hindi paggamit ng resibo at sa halip ay isinusulat lang sa papel gaya sa jueteng ang taya ng mga mananaya.

Ibig sabihin, matagal nang hindi pinapayagan ng PCSO ang operasyon ng Peryahan ng Bayan.

Pero ang nakapagtataka, bakit tuloy-tuloy lang daw ang operasyon ng Peryahan ng Bayan ni Peri-peri sa Kyusi?!

Ganoon din ang operasyon ng jueteng ni TePang sa Kyusi na ginagaya naman ang operasyon ng STL?!

Katuwiran umano nitong sina Peri at TePang, ‘naatasan’ silang lumarga para sa pondo ni alyas ‘Mayora.’

OMG! Sinong alyas ‘Mayora’ ‘yan?!

By the way, hindi lang daw si alyas ‘Mayora’ ang pinopondohan ni ‘Peri’ at ni ‘TePang’ madalas din umano silang may ‘padala’ o parating para kay General.

E sino naman kayang ‘General’ ‘yan!?

Ayaw na ayaw nina PNP chief, P/Gen. Oscar Albayalde at NCRPO chief, P/BGen. Guillermo Eleazar nang ganyan!

Magpaliwanag kayo Peri at TePang!

May pahabol nga pala ang PCSO, kapag napatunayan na ‘nakasawsaw’ ang mga kamay ng kung sinong alyas ‘Mayora’ sa operasyon nina Peri at  TePang, tiyak na tiyak, pananagutin sila sa ilalim ng Republic Act 9287, (An act increasing the penalties for illegal numbers games, amending certain provisions of Presidential Decree No. 1602, and for other purposes).

Arayku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

MMDA Bayanihan Estero Program, suportado ni PBBM

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAHA… baha… baha… nakita naman natin na kahit saang sulok ng …

Firing Line Robert Roque

Tiktok ang bahala

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Migrant Workers (DMW) sa TikTok …

Sipat Mat Vicencio

Hoy Bato, hindi mo ka-level si Digong!

SIPATni Mat Vicencio KAHIT saan anggulo tingnan at pagbali-baliktarin man ang sitwasyon, hindi maaaring ikompara …

Firing Line Robert Roque

Katawa-tawang boksing nitong Linggo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DAHIL mistulang naging kalokohan lang ang boxing match nitong …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *