Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojack, tumatanaw ng utang na loob kay Blakdyak

PATULOY ang pagdating ng blessings sa versatile na singer/comedian na si Mojack. Kaliwa’t kanan ang mga show niya ngayon, kaya happy siya at walang reklamo sa kanyang paglalagari.

“Ngayon ay election day po, so mag-e-endorse po ako ng ating butihing mayor, si Mayora Dra. Carolina ‘Carol’ Dellosa ng Baliwag, Bulacan po. Tapos this coming May 14, may show naman po kami with JK Labajo and Joey G ng Side A Band at mga local bands sa Iloilo, Guimaras,” saad niya.

Nabanggit din niya ang kanyang single. “Ang single ko naman po na KaTuGa, title po ng single ko is KaTuGa na ang ibig sabihin ay Kain Tulog Gala. Tuwang-tuwa ako noong napakinggan kong pinatugtog sa PBB Otso sa ABS CBN ‘yung kanta kong KaTuGa. Noong pinatugtog ni Kuya – Big Brother from PBB, natuwa ako kasi sinusu­portahan nila ‘yung aking single na under ng Lodi Records ito ng ABS CBN. So natuwa naman ako. Salamat sa ABS,” nakangiting saad ni Mojack.

Sa ngayon, dala­wa sa anak ni Blak­dyak ang inaaruga ni Mojack. Ulila na kasing lubos ang magkakapatid mula nang namatay din ang kanilang inang si Twinkle last year.

“Itinuring kong kapatid si Kuya Blakdyak, so ang ginawa ko dahil wala na siya – dahil maganda naman ang pagsasamahan namin before for three years sa isang bubong na parang inampon na rin niya ako, para naman matulungan ko ‘yung anak ni Blakdyak. Kasi pati ‘yung asawa nyang si Ate Twinkle, sumunod na rin. Kaya ulilang lubos na po ‘yung mga bata.

“So sabi ko, parang ako na ‘yung tatayong tatay ng mga bata. Kaya kahit nasa Leyte sila, kinakausap ko pa rin ‘yung lola para matulungan ko naman sila. Kumbaga ‘yung mga kailangan para sa school, sa gamit, sa kung ano, lagi akong nakaantabay. Tapos sabi ko, pinag-ALS (Alternative Learning System) ko kasi si Kent para ma-accelerate sa high school. Ngayon, naghihintay kami ng papers para ‘pag nakapasa siya, puwede ko uli siya i-ALS para ma-accelerate naman to college.

“So, ngayon nandito sa akin ‘yung panganay na anak ni Kuya Blakdyak which is si Kent. Si Tom to follow pa rito, kasi kailangan niyang tapusin ‘yung pag-aaral niya roon,” wika pa Mojack na kilala rin sa pagiging look-alike ni Blakdyak.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …