Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

More Than That single ni Janah Zaplan, out na sa market

MASAYA ang talented na recording artist na si Janah Zaplan dahil labas na ngayon ang third digital single niyang More Than That na komposisyon ni Paulo Zarate. Ito ay available sa iTunes, Spotify, Youtube, Deezer, at Amazon.com, tulad din ng dalawa niyang naunang single na Di Ko Na Kaya at Mahal Na Kita.

Nagkuwento ang 16 year na singer ukol sa latest single niya. Sambit ni Janah, “Iyong song po, it’s about sharing to people na may iba pa sa iyo about sa sarili niya po, na hindi lang ako basta-basta… na mayroon pa po akong kayang maipakita at maibigay sa mga tao.”

April din of last year unang lumabas ang single niya, ano ang feeling na after a year ay nakatatlong single na siya? “To be honest, mixed emotions po, hindi ko po ma-explain kasi ang bilis po ng mga nangyayari, pero nevertheless I am still thankful and grateful of what is happening.”

Saan siya kumukuha ng inspiration sa pagiging artist/singer? And ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang career? “Of course ang pinakapinaghuhugutan ko po sa pagiging artist ko ay yung parents ko, who never stopped believing and supporting in me in this journey,” nakangiting saad ni Janah.

Wika pa niya, “I just wish po na mas lumago pa ang career ko and have more projects to come, sana rin po makapasok sa showbiz industry kung makakaya.”

Nagpasalamat din ni Janah sa kanyang tatlong fans club na Janah Lovers, Janah Charmers at Janahtics na inspirasyon din niya. “Sila ang naging inspirasyon ko rin po at nagpapasalamat ako dahil buong puso nila akong minahal, kaya itinatrato ko po talaga sila as much as possible-na parang kapatid o kapamilya na,” aniya pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …