Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hokkaido, nagiging paboritong pasyalan ng mga Pinoy celebrity

PINANGUNAHAN ng Hokkaido Tracks’ president na si Mr. Simon Robinson ang second presentation gala event ng Hokkaido Tracks last March 25 sa One Shangrila Residence. Kasama ni Mr. Robinson ang kanyang team mula Hokkaido na sina Sales Directors Paul Butkovich at Scot Tovey.

Si Ms. Tessa Prieto-Valdez ang nagsilbing host ng event, samantala si Genis Enriquez ang naging temporary and stand-in voiceover dito. Spear­headed and organized by Team Philippines’ Demely Britania, na siya ring Inter­national Head of Sales and Marketing for Hokkaido Tracks, ang naturang event ay nilahu­kan ng deve­lopers, inves­tors, at entre­preneurs mula sa Filipinas at iba pang bahagi ng Asia upang bumuo ng ideas, offers, at interests sa isang maka­buluhang gabi.

Tila ito ang nagiging paboritong pasyalan ng mga celebrity sa Filipinas. Ang ilan sa celebrity na nag-enjoy nang husto sa Hokkaido ay sina Robi Domingo, Allen Dizon, Orlando Sol, Lea Salonga, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at iba pa.

Sina Simon at Paul ay nagkaroon ng pre­sentation ukol sa overview ng Hokkaido Tracks’ history, vision, mission, at locations. Nagbigay din ng certificates of recognition dito para sa tatlong teams.

Sa panayam namin kay Mr. Simon, sinabi niya kung bakit nila pinili ang bansa para ipakilala ang Hokakaido Tracks. ”I believe that there is a market in the Philippines that actually are in­terested in Hok­kaido for its holi­days. But I also think too that there’s an opportunity for Filipinos to invest directly into Hokkaido and possibly pre-owned… owner­ship. It’s a very tight and it’s a young area, in a sense of opportunity. I’d see a lot of capital growth,” ani Simon.

Idinagdag niyang hindi lang para sa masa­yang bakasyon ang Hok­kaido kundi para rin sa business oppor­tunities. Mas mada­ling magpunta ngayon sa Hok­kaido mula nang nagkaroon ng direct flight ang Philippine Airlines papuntang Sapporo, Hokkaido.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …