Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
lovers syota posas arrest

Drug queen, kelot huli sa buy bust

HULI ang isang ginang na tinaguriang ‘drug queen’  at isang mister na kapwa drug pushers sa isinagawang buy bust operation ng mga  awtoridad  sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala  ang mga naarestong suspek na sina Rosario Enri­quez, 51 anyos, tinaguriang ‘drug queen’ residente sa Phase II Area 1, at Dennis Alvarez, 48 anyos, ng North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing siyudad.

Batay sa ulat ni P/Cpl. Eldefonso Torio, may hawak ng kaso, dakong 6:05 pm nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Eric Roxas, kasama ang mga tauhan ng PCP4 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Arnold San Juan na nagsilbing perimeter security ang buy bust operation laban sa mga suspek sa labas ng bahay ni Alvarez sa Brgy. NBBS sa koordinasyon ng PDEA.   Nang iabot ng mga sus-pek ang isang sachet ng shabu kay P/Cpl. Rene Llanto na umaktong poseur buyer kapalit ng P300 marked money, agad lumapit ang iba pang mga operatiba at sinunggaban si Alvarez at Enriquez.  Nang kapkapan, nakuha kay Alvarez ang 11 plastic  sachet na nagla-laman ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu at isang revolver pistol na kargado ng anim na bala. Nakompiska kay Enriquez ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu, P300 buy bust money at P1,230 cash.  Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Dangerous Drug Act of 2002 (ROMMEL SALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Black smoke

Maingay, maamoy
SUSPENSIYON VS PERMIT NG TIME CERAMIC HILING NG MGA RESIDENTE

SAN PASCUAL, Batangas — Nanawagan ang mga residente ng Brgy. San Teodoro laban sa Time …

Arrest Posas Handcuff

Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG

Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

PBBM impeachment Makabayan bloc

Ikalawang impeachment vs PBBM inihain ng Makabayan bloc

ni Gerry Baldo ISINUMITE ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa …

BARMM BTA BEC rally protest

Amyenda sa BARMM Poll Code:
DAGOK SA KABABAIHAN, BANTA SA HALALAN

ni TEDDY BRUL UMAPELA ang mga sectoral group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao …