Friday , July 25 2025

Magdyowang may gatas pa sa labi timbog sa P.1-M omads (Pambili ng gatas ni beybi)

KULONG ang live-in partners na kapwa menor de edad nang makom­piskahan ng marijuana na nagkaka­halaga ng P120,000 sa isang buy bust operation habang arestado rin ang magkapatid at isa pang binatilyo  na naaktohan namang nagsasagawa ng pot session sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Station (PS 7) kay Director, P/Brig. Gen. Joselito ang mga suspek na live-in partners, hindi pinanga­lanan, ay edad 16-17 anyos.

Ayon kay Caliao, dakong  5:50 pm nitong 2 Abril, naaresto live-in partners sa isang buy bust operation sa P. Tuazon Blvd., malapit sa kanto ng N. Domingo St., Brgy. Kaunlaran, sa Cubao.

Nakompiska mula sa mga suspek ang isang mala­king brick ng pina­tuyong dahon ng mari­juana na nagka­kahalaga ng P120,000  at fruiting tops, na naka­balot sa transparent clean wrap, cellphone at buy-bust money.

Giit ng ng mag-partner, kaya lamang nila nagawa ang pagbebenta ng marijuana ay upang may maipambili sila ng gatas ng kanilang anak dahil kapwa sila wa­lang trabaho.

Samantala, arestado rin ang magkapatid na sina Kenneth Banzuelo, 22, at Kim Banzuelo, 24, kapwa ng Brgy. E. Rodriguez, at isa pang 17-anyos na lalaki, nang maaktohang nagpa-pot session dakong 10:25 pm, sa Ermin Garcia St., sa nasabing lungsod.

Nakompiska mula sa kanila ang dalawang pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …

DOST Region 1 takes part in the Negosyo Learning Series 2025 in La Union

DOST Region 1 takes part in the Negosyo Learning Series 2025 in La Union

THE Department of Science and Technology (DOST) Region I proudly took part in the Negosyo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *