Monday , November 25 2024

Cong. Bullet Jalosjos, gustong isapelikula ang love story ni Jose Rizal

GUSTONG gawin ni Cong. Bullet Jalosjos ang love story ni Gat Jose Rizal. Actually, ang biopic ni Josephine Bracken ang talagang target niya, pero siyempre’y malaki ang papel dito ng ating national hero.

Ngayo’y planong maging aktibo na naman ni Cong. Bullet bilang producer. Natigil pansamantala ang pagiging movie pro­ducer niya dahil binig­yan niya ng pansin ang pagtu­long sa mga kaba­bayan sa Zam­boanga del Norte. ”I’m going to do a movie of Josephine Bracken, asawa ni Jose Rizal at taga-Dapitan sila at doon sila na-in love, they got married. Ang daming kuwento tungkol diyan na hindi pa talaga napag-uusapan. Sa schools we talked about Jose Rizal, Josephine Bracken, but we never really know kung sino ba talaga siya. Parang telling Jose Rizal’s story thru a lovers eyes na­man,” wika ni Cong. Bullet na kandidatong gober­nador ng Zam­bonga del Norte.

Dagdag niya, “It’s a very colorful story at may mga tsismis and that has been confirmed by no less than Direk Lino Cayetano, naging partner ko rin siya noong gumagawa kami ng short films. Parang si Josephine joined the revolution. Lumaban siya kay (Andres) Bonifacio, very, very interesting and she ended up marrying someone from Cebu. And she ended up going back to her homeland, Hong Kong, China. And died alone, so, very tragic and very colorful.”

Sinabi ni Bullet na tiyak na maraming Pinoy ang interesadong mapanood ang buhay ni Josephine. May buhay pa raw na kamag-anak si Bracken na naninirahan sa Cebu kaya ang gusto niyang gawin ay, “So I would like to begin the story na may narrator sa umpisa ng movie then at the end you’ll find na she’s the great great grand daughter niya pala ‘yung narrator.”

Samantala, kapag muling nabigyan ng pagkakataon ng mga taga-Zamboanga del Norte na maihalal, gusto niyang mailagay sa mapa ang kanyang lugar bilang unang probinsiya na magbibigay ng Universal Health Care na hindi lang Philhealth, kundi zero talaga ang babayaran.

“If I can make ligaw sa mga agencies and ‘yung tatlong mananalong kongresista sa ilalim natin na makapagpo-produce sila ng P35-M o P40-M, na magiging P120M a year tapos dagdagan pa natin ng P100M mula sa probinsiya, so mayroon kaming P220M na kapag taga-Zamboanga del Norte ka, libre ang pagpapagamot. Hopefully ‘yun talaga ang plano ko at nakita naman ng constituents ko ang mga nagagawa ko kaya hindi nila nakukuwestiyon kung kaya kong gawin ito. I’d like to continue pa and improve at ibalik ang saya sa probinsiya,” sambit pa niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *