Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, excited na sa paglabas ng debut album

PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ng young recording artist na si Rayantha Leigh. Last February 2019 ay ini-release na sa digitial platforms ang bago niyang single titled Puro Papogi under Ivory Music, composed by Kedy Sanchez. Dapat din abangan ang lalabas na album ni Rayantha next month.

Nabanggit niyang na-e-excite at nag-e-enjoy sila sa mga ginagawa sa kanilang show. “Ang pinagkakaabalahan ko po ngayon is ang show namin na Bee Happy Go Lucky, every Saturday, 4:30pm to 6:00pm sa IBC 13, from SMAC Pinoy po ito. Lahat po ng ginagawa namin sa Bee Happy Go Lucky nae-excite ako dahil nag-e-enjoy po kaming lahat at dahil season 2 na po, kaya mas maganda at bongga, kaya exciting po talaga ito,” aniya.

Ano ang feeling na next month ay ire-release na ang kanyang album? “Excited na po ako marinig ng aking supporters ang iba ko pa pong kanta. Ang album ko po ay may 8 songs. Kasama po ang Laging Ikaw (carrier single) at Puro Papogi, composed ni sir Kedy Sanchez at Nahuhulog na composed ni Ms. Gala Sanchez. Masaya po ako na malapit na ito mai-release dahil ito ang first album ko. Ang album ko po ay self-titled, may iba rin pong genre ng kanta ang album ko, hindi lang Pop.”

Ano ang na-feel niya nang first time na narinig sa radio ang kanyang single? “Super-saya ko po noong narinig ko ‘yung kanta ko sa radio, pati po ngayon dahil napapansin at nagu­gustuhan ng karamihan ‘yung kanta ko,” masayang sam­bit niya.

Saan siya mas nag-e-enjoy, sa singing o acting? “Mas enjoy ko po ang singing, iyon po talaga ang gusto ko noong nagsisimula pa lang. Pero gusto ko rin ang acting dahil lahat po ay tina-try ko and enjoy din po sa acting,” tugon ni Rayantha.

Anyway, bukod sa concert sa Tokyo, Japan this year na makakasama niya si DJ Airene, si Rayantha ay magiging special guest performer & judge sa Streetmovers 6th  Anniversary na magkakaroon ng Search for Summer King & Queen 2019 and Dance Showdown na gaganapin sa June 16, 2019 sa Hong Kong.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …