Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, may sariling lakad

MASUWERTE si Arjo Atayde dahil nali-link kay Maine Mendoza. Napag-uusapan tuloy ang digital show niyang BagMan at mistulang manager niya si Maine sa pagtulong para mai-promote ito.

May komento na paano kaya ang magiging sitwasyon ni Maine na sa sobrang dalas ng pag-absent sa Eat Bulaga ay payagan na lang na magpaka-busy sa personal na lakad niya at huwag ng sumipot sa EB!

Naku huwag naman sana, baka mawalan ng trabaho si Maine lalo ngayong wala na sila ni Alden Richards na magiging busy sa piling ni Kathyrn Bernardo.

Edu at Jhong, sobra ang kawalanghiyaan

HINDI kaya makaapekto sa mga kontrabidang artista ng FPJ’s Ang Probinsyano na sina Edu Manzano at Jhong Hilario ang pagiging sobrang kawalanghiyaan?

Paano sila iboboto kung sobra ang sama ng imahe nila? Baka mabawasan ang boto nila kapag ganito.

Amanda Amores, puring-puri si VM Joy

MASAYA si Amanda Amores dahil dumalo sa birthday party ng kanyang husband, si Richard Yu, konsehal ng Sto. Domingo si mayoral candidate ng Quezon City, si Joy Belmonte kasama ang amang si Cong. Sonny Belmonte.

Kapitan sa ngayon ang anak ni Amanda ng Sto Domindo na si Michelle China Yu na natuwa rin sa pakikipag-selfie kay VM Joy.

Maging ang mga waiter ay hindi nakatiis na hindi makapagpa-selfie kay VM Joy gayundin ang Sto. Domingo ladies group na napupuri ng vice mayor ang pagtulong sa mga nakapaligid sa kanilang barangay.

Kara Mia, nakakasabay sa Ang Probinsyano

HINDI sinasadya na palaging nakakasali si John Estrada sa serye ng GMA na katapat ng Ang Probinsyano.

Balitang malakas ang Kara Mia at lumalaban sa action serye ni Coco Martin.

For curiosity, sabik ang tagahanga na makakita ng isang taong may dalawang mukha na ginagampanan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …