Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ghel Tumbaga, abala sa shooting ng dalawang indie movie

HUMAHATAW nga­yon ang indie actor na si Ghel Natividad Tumbaga sa shooting ng dalawang movie. Ang isa ay Kalsada sa panulat at direksiyon ni Kim Gogola na gumaganap siya bilang isa sa lead cast. Ang isa pa niyang movie ay The Viral kasama si Zack Santos na Daniel Padilla look-alike.

Kailan lang ay pinarangalan si Ghel ng StarBuzz Awards 2019 bilang Best Character Actor para sa indie film na Ang Huling Hapunan ni direk Mark Agcaoili Bago na ginanap last Feb. 28 sa Cornerstone Studio ng ABS-CBN.

Mula sa pagiging make-up artist ng docu­mentary program na iJuander ng TVNews11 at ng ilan sa alaga ni German Moreno sa dating show na Walang Tulugan with Master Show­man ng GMA7, si Ghel ay nagsimulang sumabak sa indie movies noong 2015 via sa shortfilm na Beki’t Ako? ni Kaiser Reginaldo. Dito’y nanalo siya ng People’s Choice Award sa 2nd Inding-indie Film Festival.

Ipinahayag ni Ghel ang mga iniidolong aktor. “Gustong-gusto kong tularan ang mga idolo kong character at multi-awarded actors gaya nina Pen Medina, Rez Cortez, Albert Martinez, Eddie Garcia, at Coco Martin. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, pangarap ko silang makaeksena at makatrabaho,” aniya.

Bukod sa pagiging aktor, si Ghel ay isang salon owner, teleserye-talent, make-up artist, at host/event organizer. May advocacy siyang tumulong sa mga abused, abandoned, at less fortunate children na nasa pangangalaga ng House of Sarang sa Taguig City at Nayon ng Kabataan sa Mandaluyong City. Nag-aalay siya rito ng mga nalikom niyang mga gamit-pambata mula sa malalapit na kaibigan sa industriya at mayroon pang buwanang libreng gupit para sa mga bata, kasama ang mga tinuruan niya ng FreeSalon Skills training.

“Ito ang naisip kong paraan para magpa­salamat sa Diyos sa talentong ibinigay Niya sa akin, ang makatulong sa munti kong paraan,” wika ni Ghel na tubong Rosario, La Union.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …