Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Iwasan ang endorsement ni Tito Sen

KUNG tutuusin, wala namang dapat ipagdiwang ang mga senatorial candidate na piniling bas­basan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa ilalim ng kanyang partidong Nationalist People’s Coalition o NPC.

Sa halip, dapat ay magluksa ang mga kandidato sa pagkasenador dahil kapahamakan ang magiging basbas ni Tito Sen sa kanilang kan­didatura. Imbes makalusot ang isang senatorial candidate, malamang matalo pa dahil sa ginawang endorsement ni Tito Sen.

Maraming atraso itong si Tito Sen sa bayan. Simula pa lamang sa Eat Bulaga hanggang sa Senado, batbat na ng kontrobersiya. Kaya nga, kung sasabihing naging maayos ang career ni Tito Sen sa showbiz at politika, mukhang ito ay nakapagdududa.

Hindi ba si Tito Sen ang nagpanukala na palitan ang huling linya ng Pambasang Awit ng Filipinas? Defeatist daw ang linyang ”ang mamatay nang dahil sa ‘yo” at sa halip palitan na lamang daw ng ”ang ipaglaban ang kalayaan mo.” O, di ba, kamote?

At sino ang makalilimot sa akusasyong sangkot si Tito Sen sa kaso ng artistang si Pepsi Paloma na ginahasa at namatay?

Kaya sorry na lang sa mga binasbasan ni Tito Sen tulad nina Bong Go, Pia Cayetano at Lito Lapid. Kung kabilang man sila ngayon sa “Magic 12” ng SWS at Pulse Asia survey, malamang sa mga susunod na survey ay sumemplang na sila dahil sa kagagawan na rin ni Tito Sen.

At siguradong madadamay pati itong si Sen. Cynthia Villar dahil kasama rin siya sa binasbasan ni Tito Sen.

Sayang, dahil kung sinisiguro ni Villar na magiging number one siya sa darating na May 13 elections, malamang na hindi ito mangyari at masibak siya sa kanyang kasalukuyang puwesto na pangalawa kay Sen. Grace Poe.

Kung talagang gustong matiyak ng mga kandidatong senador na manalo sila sa halalan, makabubuting iwasan nila si Tito Sen at magdoble-kayod na lamang sa kampanya, at hindi na umasa pa na mayroong magandang resultang mangyayari sa endorsement ng komedyanteng senador.

Halos isang buwan na lamang ang nalalabi sa campaign period, at ang kailangang pagtuunan ng pansin ng mga kandidato ay kung anong plataporma ang kanilang maihahain sa mga botante na tunay na pakikinabangan ng taong­bayan.

Dapat talaga, ibayong pag-iingat ang gawin ng mga kandidato para matiyak ang kanilang panalo. Hindi basta-basta kailangang pumatol sa kung sino mang umaastang may kakayahang makapagbigay ng suporta at boto para sa kanilang kandidatura tulad ng ginawa ni Tito Sen.

Sabi nga, walang “patol” si Tito Sen at basu­rang matatawag ang kanyang endorsement.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *