Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo Aquino at BeauteDerm babies, dinumog sa Robinson’s Metro East

NAGING matagumpay ang ginanap na Grand opening ng Beautefy by BeauteDerm last March 23 sa Robinson’s Metro East. Ang naturang event ay pinangunahan ng BeauteDerm babies/endorsers na sina Jestoni Alarcon, Boobay, Alex Castro, ang husband and wife tandem nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Darla Sauler, Shyr Valdez, Alynna Velasquez, ang mag-inang sina Sherilyn Reyes & Ryle Paolo Santiago, at ang Kapamilya star na si Carlo Aquino.

Literal na umulan ng mga produkto ng BeauteDerm dito dahil sa rami ng ipinamigay nila. Plus, may cash prizes pa sa Bring Me game para sa audience, kaya naman tuwang-tuwa ang mga nanood nito.

Dito namin nakita na okay ang tandem nina Darla at Shyr bilang host ng event. Dito rin ‘natuklasan’ ang pagiging rocker ni Glydel nang magpakitang gilas sa pagkanta niya ng Zombie.

Well-applauded ang song number nina Alex at Ryle, and the rest ng BeauteDerm babies. Pero as usual, ang tinilian nang husto at dinumog ng mga tao ay si Carlo. May point pa na sumugod ang mga tao sa tabi ng stage, para makita nang malapitan si Carlo at makapag­pa-selfie sa kanya.

“Iba pa rin talaga ang Carlo fever, dinudumog talaga si Carlo any­where, kahit saan siya magpunta,” sabi ni Ms. Rei nang nakitang dinu­mog ng mga tao ang actor at tinilian nang husto paglabas pa lang sa stage.

Sa panayam namin sa Beaute­Derm lady boss na si Ms. Rei, masayang-masaya siya sa naging turn out nito. “Masaya po ako, kasi talagang sabi nga ni Mam Portia kanina, nakikilala na tayo sa ABS CBN, Star Magic, at marami na talagang gumagamit ng BeauteDerm sa awa ng Diyos. Kaya hindi rin tayo kumukuha ng maraming endorsers, kasi gusto natin iyong gumagamit muna ng products tulad ni Alex (Castro).

“Gusto ko ng maraming babies, kasi sila iyong tumutulong sa atin to spread iyong good news about BeauteDerm. Hindi lang sila nagiging guwapo at maganda, kundi nagkakaroon din sila ng negosyo sa business natin,” saad ni Ms. Rei.

Very thankful naman ang owner ng Beautefy na si Ms. Maria de Jesus kay Ms. Rei sa pagiging sobrang supportive nito sa mga tulad niyang store owner ng BeauteDerm. Nabanggit din niyang siya ay,  “Over­whelmed, blessed, thank God because I have two branches na of BeauteDerm. Maganda kasi ang Beaute­­Derm, super brands, DFA approved… Babalik talaga ang mga guma­gamit, magiging loyal user, napa­kaganda ng product and napakagandang investment,” sambit niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …