ISA tayo sa mga natutuwa kapag nagtuloy-tuloy ang pagliinis ng bus terminals sa EDSA.
Pero hindi naman totally, wala. Dapat magkaroon lang ng isa bawat lugar sa EDSA.
Halimbawa, isa sa Cubao, isa sa Muñoz, isa sa Mandaluyong, puwede na ‘yun.
Pagkatapos ‘yung ibang bus ay mag-terminal na sa mga lugar na hindi makaaabala sa trapiko.
Sana nga, ay malinis na ‘yang EDSA hanggang sa Hunyo — na siyang utos ng Pangulo.
At para matiyak ito, inaprobahan na ng Metro Manila Council (MMC), ang resolution na nagbabawal sa issuance ng business permits to sa lahat ng public utility bus terminals and operators at iba pang public utility vehicles along EDSA.
Sabi ni MMDA Chair, “Our direction is to remove all bus terminals along EDSA and relocate them in the outskirts of the metro to minimize traffic congestion,”
Naniniwala naman si MMDA general manager Jose Arturo “Jojo” Garcia, na luluwag ang trapiko sa EDSA kapag natanggal ang bus terminal sa EDSA.
Tayo man ay naniniwala diyan…umpisahan na po ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap