Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lester Paul, biggest break ang pelikulang Bakit Nasa huli Ang simula?

ITINUTURING ng singer/actor na si Paul Lester na biggest break niya ang pelikulang Bakit Nasa Huli ang Simula? More than four years na rin siya sa showbiz at bukod sa markado ang role niya rito, isa siya sa lead star ng pelikulang pinamamahalaan ni Direk Romm Burlat.

Saad ni Lester, “Masasabi kong bigggest break ko itong film na ‘to, kasi first time kong mag-lead role sa isang film. And ‘yung role na ibinigay sa akin ay malayong-malayo sa personality ko kaya mailalabas ko ‘yung other side ko. That’s why I consider this as my big break.”

Ano ang masasabi niya sa casts, especially kina William Martinez, Lance Raymundo, at Ms. Faye Tangonan? “Lahat ng cast from smaller role to lead roles ay sobrang solid nila katrabaho, lalo na si sir William, sobrang professional and talagang makikita mo ‘yung years of experience niya sa showbiz. And to Lance naman, hindi siya mahirap katra­baho kasi very approachable siya. Kumbaga, para lang kaming magkakapatid sa set and he is a good actor as well.

“About Ms. Faye naman, pa­ra sa isang ba­guhan sa indus­triya and ito rin ‘yung first movie na lalabas siya, makikita mo talaga sa kanya ‘yung determination and effort para magampanan ang role niya rito sa film. Kahit na ito ‘yung unang time na sasabak siya sa mabigat na role,” nakangiting wika ni Paul.

How about kay Direk Romm? “Si direk Romm ay magaan katrabaho, kasi masaya lang siya sa set. Pero at the same time, nandoon pa rin ‘yung professionalism niya… masasabi kong magaling siyang direktor.”

Ano ang mas priority niya ngayon, singing or acting? “Priority ko talaga ay ‘yung pagkanta at paggawa ng mga kanta. Pero pag may mga opportunity na ganito, sobrang thankful ako at buong puso kong tinatanggap kasi nailalabas ko rin ‘yung iba pang talent na mayroon ako,” wika ni Lester na ang single niyang Pako (Pangarap Ko) ay siya rin mismo ang nag-compose.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …