Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Faye Tangonan, hanga kay Coco Martin

KALIWA’T KANAN ngayon ang pinagka­kaabalahan ng beauty queen na si Ms. Faye Tangonan. Kailan lang ay lumabas siya sa It’s Showtime, nauna rito, binigyan siya ng parangal sa Philippine Empowered Men and Women of the Year 2019 na ginanap last March 13, sa Music Museum.

Mula sa pagiging Ms. Universe Inter­national 2018, si Ms Faye ay sumabak na rin sa pagiging artista. Isa siya sa tampok sa indie movie na  Bakit Nasa Huli Ang Simula starring William Martinez, Lance Raymundo, Jay-R Ramos, Lester Paul Recirdo, Maverick Garcia, at Noa Hyun, mula sa direksiyon ni Romm Burlat.

“I’m so thrilled, kahit mainstream or indie film, kahit parang awk­ward sa akin, itinuturing ko itong isang bles­sing. I’m kinda nervous din, pero pa­rang laro lang,” nakatawang saad niya.

Tuloy-tuloy na ba ang pagsabak niya sa showbiz. “I’m not so sure, but I’ll be playing the female lead actress in the movie. Ang start nito ay this week at ang story ng movie is about human trafficking, this is an advocacy film.”

Nabanggit niya si Coco Martin bilang isa sa hinahangaan sa showbiz. “Isa na rito si Coco Martin, kung may chance ko siyang makatrabaho… hahaha! Kasi magaling siya and my dad, they always watch iyong FPJ’s Ang Probinsyano. Plus, iyong mga hinahangaan ko rin ‘yung mga batikang artista like Nora (Aunor), Vilma (Santos), at Sharon (Cuneta), they’re all good.”

Si Faye ay isang humanitarian, business­woman, at multi-awarded international beauty queen, na ngayon ay nag-aartista na rin.

As a beauty queen, mayroon siyang advocacy na tumulong sa mga less fortunate na tao sa US, lalo sa Filipinas. “I actually launched my own foundation with Miss Universe International Youth Foundation by Faye Tangonan which focuses on helping the less fortunate children. My goal is to create a better world with compassion, grace, and humanity,” saad ni Ms. Faye.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …