Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, patuloy sa paghataw ang showbiz career

SOBRA ang kaligayahan ng recording artist na si Rayantha Leigh sa mga blessings na dumarating sa kanyang showbiz career. Kung last year ay itinanghal siya bilang Star Awards for Music’s New Female Recor­ding Artist of the Year (Laging Ikaw-Ivory Music and Video, Inc.) ng PMPC, sa pagpasok ng taon ay patuloy ang magandang takbo ng kan­yang showbiz career.

Bukod sa kaliwa’t kanang shows/concerts, pati sa endorsements tulad ng Halimuyak Perfume ay humahataw din ngayon ang young singer. Si Rayantha ay na-renew din sa youth oriented TV show na Bee Happy, Go Lucky 2.0 at maraming nakaplanong proyekto para sa kanyang singing career. Ang Bee Happy, Go Lucky 2.0 ay hatid ng Social Media Artist and Celebrities (SMAC) Television Production at sa IBC 13 na ito mapapanood.

Tatlong taon na sa mundo ng showbiz si Rayantha na sa darating na Mayo ay magdiriwang ng kanyang 15th birthday. Desidido siyang lalo pang pagbutihin ang mga project na natotoka sa kanya dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.

“Three years na po ako sa showbiz at sa birthday ko po ay 15 na ako. Masaya po ako sa takbo ng career ko dahil ngayon po ay nakikita ko na po siyang nag-i-improve, kompara rati, noong nag-uumpisa pa lang po ako,” nakangiting sambit ni Rayantha na idinagdag pang sisikapin niyang maging successful para maging proud ang kanyang parents na sina Mr. & Mrs. Ricky at Lanie.

Magkakaroon din ng concert si Rayantha sa Tokyo, Japan this year at makakasama niya rito DJ Airene.

Mapapanood siya sa pelikulang Unang Yugto bilang si Fairy Alona. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Moises Lapid. Tampok sina Lotlot de Leon, Martin Escudero, Kikay Mikay, at marami pang iba.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …