Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, never pang nasaktan ni James

NAG-CELEBRATE last February 11 sa Batangas ng kanilang ikatlong taon ang Viva stars na sina Nadine Lustre at James Reid.

Sa guesting ng bida ng Ulan na mapapanood na sa March 13 sa Gandang Gabi Vice, sinabi nitong ni minsan ay hindi pa siya nasaktan ni James.

Sa segment nga ng Kuryentanong tinanong ni Vice Ganda si Nadine ng, “Nasaktan na ba ni James Reid ng bongga ang puso mo?” na sinagot ni Nadine ng, “No.” At inayunan naman ito ng lie-detector gadget at hindi na-ground ang aktres.

Sa tanong naman kung nagselos na siya sa isang ex-girlfriend ni James, sagot ni Nadine, “No” at hindi  pa rin ito na-ground.

At kahit nga may mga taong gustong sirain ang magandang relasyon ng dalawa ay mukhang malabo dahil smooth ang relasyon nila at nagkakaintindihan sila.

At kahit hindi nakikita ang presensiya ni James sa launching ng pabango ni Nadine, ang Luster by Nadine Lustre ay tiyak namang dadalo ang actor sa premiere night ng Ulan.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …