Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
aldub Maine Mendoza Alden Richards Boom Pawis Boomga Ka Day
aldub Maine Mendoza Alden Richards Boom Pawis Boomga Ka Day

Maine at Alden, nag-iiwasan

MARAMI ang nakapansin noong muling magsama sina Maine Mendoza at Alden Richards sa Sugod Bahay at sa Eat Bulaga na wala na ang magic smile at warm ng dalawa.

Kaarawan iyon ni Yaya Dub na kapansin-pansing nag-iiwasan at hindi nagtatabi. Para bang may nagbabawal o nagkakahiyaan.

Sabi nga ni Vic Sotto, ‘bilis-bilisan mo Alden baka maunahan ka.’

Mapapansin din at maitatanong bakit nawawala ang mga chick na nali- link kay Alden tulad nina Louise delos Reyes, Patricia Tumulak, at Andrea Torres.

Bakit kaya? Ano ba ang hiwagang bumabalot sa bagay na ito?

 

Pag-iibigan nina Wendell at Onay, imposible

MISTULANG Sampaguita Pictures ang tema ng Onanay starring Nora Aunor at Jo Berry. Magkapatid na nag-aaway.

Mga panghahamak sa mahirap tulad ng ginagawa ni Cherie Gil kina Nora at Onay.

Idagdag pa ang imposibleng pag-iibigan nina Wendell Ramos at Onay.

Masaya at nakare-relate ang mga citizen na nanonood lalo noong panahon ng 60’s. Iba talaga si direk Gina Alajar, ibinabalik niya ang mga dating birtud ng mga artista noong araw.

 

Rita, ayaw padaig kay Ken

AYAW paawat sa acting si Rita Daniela kay Ken Chan sa My Special Tatay. Ayaw niyang makarinig na puro si Ken ang pinapalakpakan.

Nagpasikat siya ng pag-arte noong itsimis siyang pokpok ng mga kapitbahay. Mahaba ang dialogue ni Rita at nalampasan ito.

May komento lang na hindi cinematic ang pangalang gamit niya na Rita Daniela na parang name ng isang komedyana, si Rita de Guzman na kinuwestiyon din ang pangalan na parang ordinaryong empleado sa gobyerno.

 

Anak ni Mila Pascual, tatakbong konsehal

MASAYA ang El Niño producers noon sa Escolta na si Mila Pascual. Tatakbong konsehal pala ang anak niyang si Vincent Tenten Pascual Abella sa bayan ng Jaen, Nueva, Ecija.

Hilig ng anak ang mag-politiko kaya hindi niya ito pinigilan.

Maraming napasikat na artista noong araw si Mila na ngayon ay wala man lang nakaalala sa kanya nang mag-celebrate ng birthday.

Naku bago pa ba ‘yan sa showbiz? Lumang isyu na ‘yan lalo’t napakinabangan ka na ng mga aspiring stars noong araw.

***

PERSONAL birthday greetings sa mga March celebrants—Maricel Soriano, Jimmy Fabregas, Maine Mendoza, at Ryan Eigenmann.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …