Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Grace o Cynthia?

SINO ang magiging number one sa senatorial race kina Senator Grace Poe at Senator Cynthia Villar sa midterm elections na nakatakda sa 13 Mayo?

Sa takbo ng kampanya ng dalawang senatorial candidates, masasabing dikit ang da­la­wang kandidato, at mahirap sa ngayong husgahan kung si Grace o si Cynthia ang magi­ging number one sa darating na halalan.

Hindi iilang political observers ang nagsa­sabing ang resulta ng halalan sa Mayo ang magiging batayan para magdesisyon ang dala­wang senador kung sila ba ay tatakbo o hindi sa pagkapangulo sa 2022.

Kung magiging number one si Grace sa darating na eleksiyon, sigurado ang pagtakbo niya sa 2022 presidential elections, at ipag­papatuloy ang iniwang laban at mga pangarap ng kanyang yumaong amang si Fernando Poe, Jr.

Malaking bagay kay Grace ang magiging resulta ng halalan sa Mayo lalo kung makukuha niya ang unang puwesto dahil magiging patunay ito na patuloy pa rin at hindi nawawala ang suporta ng taongbayan kay FPJ.

Sa bahagi ni Cynthia, bagamat walang direktang pahayag na interesado siya sa pagtakbo bilang pangulo, ang pagkatalo ng kanyang asawang si Manny Villar noong 2010 presidential elections ay sapat na batayan para maging bukas siya sa pagtakbo bilang pangulo.

Kung tutuusin, hindi nagkakalayo ang mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station para sa unang puwesto ng kandidatura nina Grace at Cynthia.  Bagamat laging number one si Grace sa mga survey, minsan na rin nanguna si Cynthia sa SWS survey noong Enero.

Kaya nga, asahang magiging pukpukan ang laban ng dalawang nangungunang kandidato sa pagkasenador, at kailangang doble-kayod ang kanilang gawin para tanghalin ang isa sa kanila na ‘numero uno’ sa darating na halalan.

At hindi kailangang balewalain ni Grace si Cynthia dahil bukod sa suporta ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, binasbasan din ang senadora ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Ang malawak na organisasyon at makinarya ng administrasyon ay tiyak na magiging bentaha kay Cynthia.

Sa ngayon, higit na mabigat ang hamon na nakaatang sa balikat ni Grace sa pagsabak niya sa midterm elections. Kung mabibigong makuha ni Grace ang unang puwesto sa senatorial race, hindi malayong ipakahulugan ito na naglaho na ang ‘kinang’ ni FPJ sa taongbayan.

Payo lang natin kay Grace… sa politika, hindi dapat na pumarehas ka. Kung minsan, dapat matapang ka. Kung minsan, dapat ‘salbahe’ ka.  Kung minsan, dapat ‘balasubas’ ka, at higit sa lahat, kailangan matibay ang ‘yong sikmura dahil ang mga kalaban mo, e halang ang ang mga bi­tu­ka!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *