Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arron Villaflor at Iyah Mina, thankful sa pagiging endorsers ng Prestige

LABIS ang pasasalamat nina Arron Villaflor at Inah Miya sa pagpirma nila ng kontrata bilang endorsers ng Prestige. Sina Arron at Iyah ang unang batch ng celebrity endorsers ng naturang produkto.

Saad ni Arron, “Thankful ako na ‘yung wish ko na i-renew ang contract ko sa Prestige ay natupad. Kaya nagpapasalamt po ako nang sobra kina Sir Mannix Carancho at Amanda Salas.”

“Sobrang saya po… at mabait talaga si Mannix siya ‘yung boss na parang ‘di boss. Mabuting tao siya at gusto niyang ipamahagi sa lahat na ‘di lang sa babae at lalaki puwede ang products niya, kund pati sa LGBTQ community,” pahayag ni Iyah.

Sina Mannix at Amanda ang CEO at PR & Marketing Consultant ng Prestige, respectively.

Idinagdag ni Arron napaka-effective ng Prestige sa kanya kaya name-maintain niya ang kanyang magandang kutis, bukod pa sa abot-kayang presyo nito na affordable talaga sa masa.

Itinatag ni Man­nix ang kanyang beauty com­pany na Mannix Caran­cho Prestige Cor­po­ration noong 2015. Ito na ngayon ang isa sa mga leading corporation na nagpo-produce ng skin care products para sa madla sa abot-kayang halaga na may magandang resulta sa kanilang skin o kutis.

Balita namin ay patuloy na lumalago ang Prestige company ng CEO nitong si Mannix Carancho dahil bukod sa maganda ang kanilang mga produkto, very generous pa ang Prestige sa kanilang mga distributors and resellers. Kaya congrats sa inyo Mannix at Amanda.

Anyway, maganda o winner ang tandem nina Arron at Iyah sa nagdaang pelikula nila sa 2018 Cinema One Original. Dito kasi’y kapwa nanalo ang dalawa, si Iyah bilang Best Actress (ang unang transgender na nanalo ng top actress award sa annual film festival), samantala nanalo namang Best Supporting Actor dito si Aaron para sa pelikulang Mamu; And a Mother Too. Gumanap na magkarelasyon ang dalawa sa pelikulang ito.

Ngayon ay kapwa abala sila sa iba’t ibang projects, kaya puwedeng sabihin na may hatid na suwerte ang tambalan nina Arrron at Iyah.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …