Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Len Carrillo, tiniyak na pasabog ang This Is Me concert ng Belladonnas at Clique V

TINIYAK ni Ms. Len Carrillo, manager ng Belladon­nas at Clique V na pasabog ang gaganaping concert ng dalawa sa leading teen groups sa bansa na pinamagatang This is Me. Magaganap ang kanilang concert sa Feb. 23 (Saturday), sa SM North EDSA Skydome, 7 pm.

“Bawal pang sabihin ang mga production number, pero ang masasabi ko ay pasabog talaga ito kaya dapat abangan talaga. Sobrang excited na ako at sobrang kaba rin,” nakangiting saad niya.

Sino ang namili ng line-up ng guests? Esplika ni Ms. Len “Ako, ibinagay ko sa production numbers na gagawin nila, ang mga guest ay may production numbers with the Belladonnas at Clique V.”

Sa finale ba ay magkasama ang Belladonnas at Clique V? “Sa opening at finale ay magkaka­sama sila… sa finale, maiiyak sila, may part na nakaka-touch, kaya ako talaga everytime na inaano ito, naiiyak ako,” saad ni Ms. Len.

Ang Clique V at ang Belladonnas ay parehong nag-e-excel sa pagkanta at pagsayaw, but very soon ay sasabak na rin sa pag-arte sa pelikula at telebisyon.

Ang This is Me ay sa direksiyon ni Robin Obispo, choreography naman ito nina Mia Pangyarihan at Aira Bermudez na mga kilalang bahagi ng Sex Bomb, with Mich Garong at Donald Balbuena na nagdagdag pa sa dance steps ng kaabang-abang na show.  Special guests sa concert ang Kapuso star na si Kyline Alcantara, Star Music and MOR dj Anna Ramsey at ang Hashtag members na sina CK at Zeus Collins.

Bakit This Is Me ang title ng kanilang concert? “Actually, marami po talagang nagtatanong bakit This Is Me, e marami naman po kami sa concert, dapat daw po ay This Is Us. Kaya po This Is Me, the title itself pertains to us, being one unit, being a family. Wala pong Quinn, wala pong Jassy, wala pong Chloe diyan sa concert, but as Belladonas and Clique V, being one in this concert,” wika naman ng isa sa member ng Bella­donnas na si Quinn Carrillo.

Anyway, released na ang ­music video ng Belladonnas pa­ra sa kan­tang Sa Una Pa Lang na ang kompositor ay si Blanktape Man­dangan. Ang ilan pa sa dapat aba­ngan sa ka­nila ang adovo­cacy film na Codep.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …