Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Greg Hawkins, gustong sumabak sa horror o comedy project

AMINADO si Greg Hawkins na nami-miss na niya nang husto ang mga tao sa It’s Showtime, lalo ang staff nito dahil sa sobrang kabaitan nila sa kanya. Kabilang din siyempre si Vice Ganda sa nami-miss niya sa naturang noontime show.

“Of course, of course, nami-miss ko si Vice, that’s given. Whenever you have an opportunity to work with big celebrities, big stars, it’s always a blessing. But if we’re talking about what’s in my heart, I really do missed the staff because they were really good people,” pahayag ni Greg.

Nabanggit ni Greg na masaya siya na naging positibo ang kanyang paglabas sa Showtime. “It felt great you know, and it was nice that… parang I felt na I contributed to the segment’s come back in popularity and you know, ‘yung chemistry namin was really good,” pakli pa niya.

Si Greg ay nakilala sa It’s Showtime bilang Kuya Escort ng Miss Q & A segment nito. Siya ang 25 year old na Korean-American na nangangarap mag¬karoon ng puwang sa mundo ng showbiz.

Isang native ng Salt Lake City, Utah, si Greg ay Political Science graduate sa University of Utah. Siya ay under Viva at maraming pinagkakaabalahang proyekto ngayon.

Ayon kay Greg, sakaling bigyan siya ng project sa ABS CBN, It’s Showtime pa rin daw ang pipiliin niya.

“I love Showtime, so if I ever given an opportunity to return to It’s Showtime, I would love to return. But I would also like to try maybe horror or comedy… like Home Sweetie Home, parang ganoon,” nakangiting sambit ng tisoy na aktor.

Sa ngayon ay nakagawa na si Greg ng ilang commercials, at bahagi ng TV series sa Viva titled The Legal Mistress sa Sari Sari Channel via Cignal television. Gumaganap siya rito bilang si Uly, pinsan and bestfriend ni Ali Khatibi at tampok din dito sina Meg Imperial at Cindy Miranda.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …