Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen at Dennis, aktibo sa kanilang online business

NGAYONG taon, level-up na ang magkarelasyong Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Magkasosyo sila sa isang online, isang cookie business. Ang aktres mismo ang guma­gawa, katulong ang actor sa pag­be­ben­ta online. Sa susunod na buwan, magbubukas na sila ng store para sa kanilang business.

Ayon kay Jen, isa sa kanyang bucket lists ngayong taon ang magkaroon  sila ng store kahit isang open kitchen lang.

Ka­ya marami na ang nagsasa­bing naghahanda na ang dalawa para sa nalalapit nilang pagpapa­kasal.

Saman­tala, kapwa busy ang dalawa sa kani-kanilang showbiz career. Si Dennis ay mayroong Cain at Abel kasama si Dingdong Dantes sa GMA-7 at si Jennylyn naman abala sa taping ng bagong teleserye sa Kapuso Network, ang Luv U 2 katambal ni Gabby Concepcion kasama ang nag-ober da bakod na Kapamilya actress na si Kiray Celis.

Bukod dito, may dalawang bagong movie na ginagawa si Jen. Isa rito, ang Heart of Mine kasama niya sina Richard Gutierrez at JM de Guzman under Star Cinema.

Bukod dito, sasali rin sa marathon si Jen sa Berlin, Germany sa Setyembre. Matatandaang active si Jen bilang isang triathlete. Mahilig siyang magsasali sa iba’t ibang sports competitions sa ating bansa. (Joe Cesar)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …