MAGANDA ang takbo ng showbiz career ni Ara Altamira. Sunod-sunod ang projects ngayon ni Ara sa pelikula pati sa telebisyon. Kabilang dito ang Daddy’s Gurl na tinatampukan nina Vic Sotto at Maine Mendoza. Mapapanood din siya sa episode ng Ipaglaban Mo pati na sa web series sa IWant originals na Hush-Swingers.
Sa pelikula, mapapanood si Ara sa Tol starring Arjo Atayde, Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, Jessy Mendiola, at Jimmy Santos, directed by Miko Livelo. “Showing na po ito sa Jan. 30, may cameo role po ako roon. Ang iba ko pang movies ay Mga Mata Sa Dilim with Jessy Mendiola, Derek Ramsay and Joko Diaz. Role ko po si Jane, Jessy’s malanding friend. Directed by Enzo Williams, under Cinebro. Then I also have a cameo role in Regal Films’ Papa Pogi, directed by Alex Calleja at sa Regal Films’ Stranded by Direk Ice Idanan, starring Arjo and Jessy po.
“Happy po ako sa career ko, pero still hoping na sana tuloy-tuloy and sana mag-level-up. Although hindi natupad, wish ko kasi talaga makapasok sa PBB, I auditioned, umabot sa last stage ng screening, pero hindi na umabot sa natawagan ng ABS CBN. Kasi four times na ako nag-audition since batch pa lang nina Kim Chiu. Not lucky enough, or not my time pa siguro. But at least my friend got inside Kuya’s house, si Tori Garcia and sobrang happy ako for her,” wika ni Ara.
Ayon sa aktres/model, “Sa Tol po, I’m a teacher from the past (throwback ni Joross). Sa Stranded, scene with Arjo, isa po ako sa ‘girls’ niya. Hindi ko po nakasama si Arjo sa scene sa Tol, pero sa Stranded po, dalawa lang po kami sa scene. So, roon ko po nakita ‘yung pagiging gentleman niya. Medyo may kaunting stunt kasi ‘yung scene ko, so every after take, he keep asking me if ayos pa raw ako. Sobrang magkalapit po kami sa eksena kaya naaamoy ko talaga siya at ang bango po. Nakadagdag pogi points,” nakangiting saad ni Ara.
Dagdag niya, “Yes po, magaling talagang actor si Arjo. Ilang beses din po kasing ini-revise ‘yung atake sa script and nakukuha niya po agad. Hindi po siya mayabang, magaan katrabaho, ang impression ko nga sa kanya is serious type and tahimik. Pero di po pala, mabait at marunong siyang makihalubilo sa lahat, including staff.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio