Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Monsour del Rosario, tapat sa Makati at di balimbing

MULA sa pagiging first class athlete at action star, ngayon ay isang public servant na si Mon­sour del Rosario bilang kongresista ng District 1 ng Makati. Ngayong nasa politika na siya, laging naninindigan si Monsour sa kanyang prinsipyo sa buhay.

Esplika niya, “Sa politics, nandiyan ako para maglingkod, sinasabi man na marumi, I have always stood my ground sa principles ko na karugtong of who and what I am in real life.”

Pinasinungalingan niya ang mga paratang ng mga kalaban sa politika. Na dahil nag-PDP na siya, tinatawag siyang balim­bing at traydor, pero inilinaw ni Monsour na siya’y ina­lis sa partido dahil sa prin­sipyo niyang dapat tulungan ang lahat ng mga taga-Makati, maging kalaban man o kakampi.

Nang siya ay mabiktima ng maruming politika, kinuha siya ng PDP thru ex-speaker Alvarez.

“Well, I was taken out of Team Binay January 26, 2018 by the current mayor, that hurt me a lot, I mean, it really hurt me a lot. Just because I want to stand by my principle and her husband did not see it that way. She and her vice mayor, you know, they said a lot of painful words and I can’t fight a woman. You know, I’m not raised fighting a woman, as much sa possible.

“So I felt bad because I said, ‘After 9 years of loyalty to your team, I campaigned for the vice president, I campaigned for senator Nancy, I campaigned for mayor Junjun,’ and right now campaigning for Junjun again which I didn’t expect to happen. So you know if this is happening because of the principle na pinanindigan ko, I said, ‘Screw this,’ Excuse my language, but if this is the way I’m gonna be dictated to be a public servant, I don’t like it anymore. I just want to resign. But then speaker Alvarez spoke to me, sabi niya, ‘Tinawagan ko si Digong at ikinuwento ko ang nangyari sa iyo. Gusto ka ni Digong…’ Then, pinanumpa ako ni Speaker Alvarez at PDP na raw ako. Nang nagsumpa ako, nagulat ako na may media, tapos ay pumutok na nandoon na ako sa PDP. Iyon na, ikinalat nila sa Makati na nagbalimbing ako, na nagtraydor ako. And I can’t match what they have, I can’t match their ‘bullets’… you know I’m fighting an uphill battle.”

Nang nabalitaan daw niya na sa Makati ay may fire truck na 28 million, ballpen na isang libo ang halaga, 10 speed boat at iba pa, siya ay sobrang na-shock. Kabilang ang mga kaganapang ito na nagresulta ng pagbuo ng tandem nila ni Junjun Binay na kasama niyang kandidato bi­lang Mayor at siya bilang Vice Mayor ng Makati.

Pati na ang intrigang wala siyang ginagawa bilang mamba­batas ay pinabulaanan ni Monsour dahil ilan sa nagawa niya ang pagpasa ng 51 bills, 9 house resolutions at marami pa.

Si Monsour ay magkakaroon ng programang AdVice ni Monsour na mapakikinggan/mapa­nono­od sa Radio Inquirer. ”Handa naming tulungan ang mga taga-Makati. Pero siyempre kailangan muna naming itsek, it will be open to the Makati people whether from District 1 or 2.”

Mapapanood din siya sa dalawang pelikula, ang Because I Love You ni Direk Joel Lamangan sa Feb. 27 at isang action film, ang Blood Hunters: Rise of the Hybrids directed by Vincent Soberano. Kasama rito ni Monsour sina Vincent at Sarah Chang na magagaling sa iba’t ibang klase ng martial arts.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …