Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
bong revilla

Sen. Bong, pag-asa ng mga stuntman

MARAMI ang umasam na sana ngayong malaya ng muli si Sen. Bong Revilla ay muli niyang buhayin ang pelikulang action. Mula kasi noong mawala sa circulation ang actor, unti unti na ring nawala ang mga gumagawa ng action pictures.

Malaking tulong kasi ang maibibigay niya sa stuntman na magkaroon muli ng puwang sa showbiz kapag naibalik ang paggawa ng mga action movie.

 

Manay Ichu, tagapagtanggol ng mga produ at artista

SANA matulungan ni Manay Ichu Maceda na maipagtanggol ang karapatan ng mga sumasaling producers at artista sa Metro Manila Film Festival.

Matulungan sana niyang huwag naman agad tanggalin ang mga pelikulang palabas sa madaling panahon kung ano ang napag-usapan at hindi apihin ang ibang producers.

Sana ‘yung may dugong showbiz ang mamahala sa MMFF at hindi kung sino-sino na lang lalo ‘yung ibang wala namang alam sa daigdig ng mga artista at pelikula.

 

Echo at Romnick, madalas sa De Castro Hospital

NAG-TAPING sina Jericho Rosales at Romnick Sarmenta sa De Castro Hospital sa Baliuag, Bulakan para sa isang hospital scene ng Halik.

Halos hindi napansin ang pagdating ng mga artista ng Kapamilya dahil dis oras na ng gabi sila dumating.

Madalas mag-taping ang ABS-CBN sa naturang ospital.

 

Barang, ‘di pa maiwan ang showbiz kahit nasa politika na

NAG-CELEBRATE ng birthday ang unica hija ni Barbara Milano na si Queenie, cum laude sa UST.

Mahal na mahal ni Barang ang anak na may pangarap maging doktora.

Tatakbo si Barang bilang vice mayor sa Talavera, Nueva, Ecija.

Hindi niya matanggihan ang kahilingan ng mga kababayan na hindi naman niya tatalikuran ang showbiz kahit pinasok ang politika.

 

Cherie, nadesmaya sa sabunot ni Jo

NAKATUTUWA ang kuwentong nasagap naming. Muntik daw madesmaya sa taping ng Onanay si Cherie Gil. Hindi akalaing sa tagal  niyang nagpa-parlor, sasabunutan lang ni Jo Berry.

Nakalimutan pala ni Cherie na may fight scenes si Onanay. Bale ba totoong sabunot ang natikman ni Cherie kay Onay kaya nawala ang antok niya sa set.

 

Serye ni Kris, inirereklamo

MAY mga kumukuwestiyon sa serye ni Kris Bernal sa Asawa Ko Karibal Ko.

Bakit kasi ganoon na puro murahan at sampalan ang eksena araw-araw.

Sabi ng ilang nanay ng mga batang nakakapanood, ginagaya ng mga bata ang pagsabunot at pananampal ng kapwa bata. Isang masamang ehemplo sa mga seryeng napapanood.

Paano ito nakalulusot sa mahigpit na pamunuan ng telebisyon?

***

BIRTHDAY greetings to January born—Sen. Ralp Recto, GMA executive Reggie Magno, Elsa Payumo, Orly Ilacad, Odon Sabare, Direk Ronald Rafer and to my son, John Henry at Nap Alip.

Happy birthday din kina Jason Abalos, Rowena Bautista, IC Mendoza, at Beth Rosal ng Toronto, Canada.

***

OUR deepest condolences sa pamilya ng sumakabilang buhay na actor na si Arnold Esguerra, member ng Escolta Boys na taga-Pulilan, Bulakan.

Inatake si Arnold. Marami siyang nagawang movie noong araw mostly sa Seiko Films at FPJ Productions.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …