Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janine at Enchong, hindi uso ang ilang at kapaan sa pelikulang Elise

MAGTATAMBAL ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez at ang Kapamilya actor na si Enchong Dee sa pelikulang Elise, isang true-to-life comedy drama na siyang opening Salvo ng Regal Entertainment para sa 2019.

Ang pelikula ay ukol sa paghahanap sa soulmate at ng layunin sa buhay. Nabanggit ng director nitong si Joel Ferrer ang espesyal ukol sa pelikulang ito, “It’s a biopic romantic comedy that depicts events in the life of Bert (Enchong), who is quick-witted but sickly emotional and independent guy, who falls for Elise (Janine), who is a strong, tough, independent woman.”

Sa parte ni Janine, nabanggit niyang masaya siyang muling makatrabaho si Enchong. “Sobrang happy ako always to work with Enchong, kasi nagkatrabaho na kami dati, Pero ang ginawa namin before ay horror na madugo. So this time ay love story siya and I think lahat ng tao talaga ay makare-relate kasi tungkol ito sa first love. And lahat naman ng tao ay may first love at sinasabing kapag first love, hindi mo malilimutan, ‘di ba?

“So, happy lang talaga, kasi Enchong and I know each other talaga off cam and we worked with each other before. So wala na iyong ilang, wala na iyong kapaan, talagang madali na para sa akin na makatrabaho ko siya,” pahayag ni Janine.

Dagdag ng anak ni Lotlot de Leon, “Elise is a lifelong love story about these people na parang their whole lives parang nag-i-intertwine ang mga buhay nila. Ang tanong ay magkakatuluyan ba ang first love nila o hindi?”

Sa panig naman ni Enchong, sinabi niya kung bakit worth watching ang kanilang pelikula. “Nangyari siya sa tunay na buhay. It’s a biopic. Ang hirap kasi minsan tatanungin ng tao, ‘Posible ba ‘to? Nangyayari ba talaga ito?’ The fact that it’s a love story na coming from a person na specially close to Direk, I think iyon ‘yung part na maganda kasi may pinagkukuhaan kami ng tunay na kuwento.”

Ang Elise ay mapapanood na sa February 6 at bukod kina Enchong at Janine ay tinatampukan din nina Miko Raval, Jackie Lou Blanco, Pilita Corrales, at introducing dito sina Victor Anastacio, Miel Espinosa, at Laura Lehmann.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …