Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James Merquise, kaliwa’t kanan ang projects

HUMAHATAW ang showbiz career ni James Merquise ngayong 2019. Sobrang thankful nga ng actor sa kaliwa’t kanang projects na pinagkakaabalahan ngayon.

“Sobrang blessed po ako ngayong 2019, kahit kasisimula pa lang ng taon. Natutuwa naman ako dahil nitong November and December ay medyo mahina talaga ang ano namin… more on workshops po kami, pine-prepare po kasi kami.

“Para this year nga po, para sa mga projects na gagawin namin. Kasi, hindi naman po siya basta-basta movie at malalaking projects po ito at malalaking producers din po ang papasok, mga kasosyo bale,” pahayag ni James.

Wika niya, “Sa Shining Star Productions at KSP Productions (KSP-Kamalayan sa Sining at Pag-arte) po ito at ang pinaka-head namin doon ay si Direk Jess Land. Kabilang sa project na ito ay ‘yung Liwanag na pinagbibidahan ni Cogie Domingo, pulis din po ako roon. Parang package deal, pero nagkataon lang po iyon, dahil iyon talaga ang ibinibigay nila sa akin, e.

“Doon sa dalawa pa naming movie, ‘yung Ngitngit at Wind Chime, pulis din po ako. Iyong Liwanag, medyo drama ito na ang story niya, kum­baga iyong masasamang tao o naging mem­ber ng sindikato, may pagkakataon silang magbagong buhay.

“Iyong Ngitngit naman, parang thriller-suspense na may kaunting action din po. Then ‘yung Wind Chime, horror po siya. Lahat po ng movies na ito, ang direktor ay si Direk Jess Land.”

Pahabol na kuwento ni James, “Actually, this year ay parang sobrang daming films na gagawin namin, mayroon pa po kaming Kardong Kidlat at ‘yung Enforcer. May paparating pa po kaming TV series, baka sa channel 5 po. Bale dalawang TV series po iyon, although niluluto pa po at kay Direk Jess din po ito.

“Kaya thankful po ako sa bagong production outfit na napasukan ko, na binigyan nila ako ng chance para maipakita ko ang talent ko. Masayang-masaya po ako at nagpapasalamat sa lahat ng tumutulong sa akin.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …