Monday , November 25 2024

Allen Dizon, proud sa pelikulang  Alpha: The Right to Kill

KAKAIBANG Allen Dizon ang mapapanood sa pelikulangAlpha: The Right to Kill  mula sa pamamahala ng Cannes Best Director Brillante Mendoza.

Makikita rito ang kampanya ng pamahalaan sa war on drugs. Showing na ang pelikula in selected cinemas nationwide. Ang MTRCB rating nito ay R-16.

Nagkuwento si Allen hinggil sa kanyang latest movie.

Saad ng award-winning actor, “Napa­panahon ito para maging aware ang mga tao sa kung ano ang nangyayari sa war on drugs ng pamahalaan. Siyempre, Brillante Mendoza movie ito, na nanalo ng Special Jury Prize sa 66th San Sebastian Film Festival sa Spain, kaya sana ay panoorin ng mga kabahayan natin.

“Siyempre gusto natin na lahat magustuhan ang pelikula natin, pinagpaguran namin ito and this is an award winning film. So, sana maging maganda ang reaction ng audience paglabas nila ng sinehan, sana ay marami ang magka­gusto at ipamalita nila ang pelikulang ito, ang Alpha, The Right To Kill.”

Dagdag ni Allen, “Si Direk Brillante naman, alam natin ang style niya sa pagdidirek, kung minsan ay walang script, minsan ay ipapakita lang iyong script at hindi alam kung ano ang pinang­galingan… So, dahan-dahan naman ay napag-aralan ko iyong style niya. Gusto niya kasi iyong natural, iyong hindi ka umaarte, ayaw niya nang nagdadrama… iba ‘yung style niya sa Alpha, parang lahat ay natural, lahat ay realistic, iyong pacing ay mabilis.

“Enjoy ako sa Alpha kasi action genre siya, takbuhan, barilan… ‘Tsa­ka for a change, hindi ako mabait na pulis dito. Na mukhang ordi­nar­yong tao-nagsisimba tuwing Linggo kasama ang pamilya, nag-aattend sa PTA ng kambal kong anak, pero pumapatay nang walang habas at nagpapagamit sa nakatataas ang posisyon sa kanya para mabigyan ng di­senteng buhay ang kanyang pamilya.”

Inaasahang muling hahakot si Allen ng awards sa mga naka-line-up niyang peli­kula this year.

Bukod sa Alpha, kabilang sa mga peli­kulang ito ang Persons of In­terest na dual role siya, isang bulag na prime suspect sa paglason sa may edad na kinakasama at isang ‘imaginary friend’ ng kanyang kaisa-isang anak.

Kasalukuyan pa itong umiikot sa mga inter­national film festival. 

Latay – na isa siyang bat­tered husband ng bayolenteng misis niya. With Lovi Poe, Mariel De Leon at Snooky Serna. At Mindanao – na gumaganap si Allen bilang isang sundalong Muslim na habang nakiki­paglaban sa giyera sa Minda­nao ay naki­kipaglaban din sa kamatayan ang kanyang anak na may kanser.

Tampok din dito si Judy Ann Santos at mula sa pamamahala ni Direk Brillante.

 Last year ay naka-pitong Best Actor award si Allen, kabilang dito ang Dhaka Intl Film Festival sa Bangladesh para sa Bomba ni Direk Ralston Jover, 4th Sinag Maynila International Film Festival, 16th Gawad Tanglaw Awards, Famas Awards, 25th Facine Awards sa San Francisco USA, at sa 5th Urduja Heritage Awards, lahat para sa pelikulang Bomba.

Seventh Best Actor niya last 2018 ang napanalunan niya sa International Film Festival Manhattan sa New York para sa peliku­lang Sekyu directed by Joel Lamangan.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Nadine Lustre

Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto

HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *