Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Boses ng kababaihan sa Senado

MALAKAS ang magiging puwersa ng ating mga kababaihan sa Senado kung tuluyang mananalo sa darating na May elections ang limang babae na kandidato sa pagkasenador. Hindi na magka­karoon ng agam-agam ang mga kababaihan na maisusulong na ang kanilang mga adhikain kung maihahalal nga ang mga kabaro nila sa Senado.

Kung magkakatotoo nga sa darating na halalan ang mga resulta ng survey ng Social Weather Station at Pulse Asia, masasabing tiyak na makapupuwesto ang mga reelectionist na sina Grace Poe, Cynthia Villar at Nancy Binay, ang nagbabalik na senador na si Pia Cayetano at ang bagito sa Senado na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Matunog ang pangalan ng limang babae at laging pasok sa “Magic 12” ng senatorial surveys.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, nanguna si Poe na sinundan naman ni Villar. Nasa ika-apat naman si Cayatano habang nasa ika-anim naman si Binay.  Si Imee, na isa sa dalawang bagito na nakapasok sa “Magic 12” ay nasa ika-10 pwesto.

Nauna rito, sa SWS, si Villar ang nauna, pangalawa si Poe, pangatlo si Cayetano, ika-lima si Binay habang nasa ika-11 si Imee.

Kung tuluyang papalarin ang limang babaeng ito, aabot na sa pito ang kabuuang bilang ng lady legislators sa Mataas na Kapulungan sa pagbubukas ng bagong Kongreso.  Sana lang din ay marami-raming babae rin ang makapasok sa Kamara.

Anim na babaeng senador lamang ang kasalukuyang nakapuwesto ngayong 17th Congress.

Si Sen. Loren Legarda ay nasa huling termino na niya, sina Sen. Leila De Lima at Sen. Risa Hontiveros naman ay mananatili at manunungkulan hanggang sa Hunyo 30, 2022.

Bagamat masasabing mga  lalaki pa rin ang nakalalamang sa Senado, magiging malakas na ang puwersa ng mga kababaihan sakaling manalo ang limang kandidato sa 13 Mayo.

Magiging maganda ang laban sa Senado kapag naging pitong babae ang bubuo rito. Tiyak na higit nilang maisusulong ang mga adhikain, programa at kapakanan ng mga babae sa bansa.

Hindi naman mapapasubalian na may mga lalaking senador din ang nagsusulong ng kapa­kanan ng mga babae at kontodo ang suporta sa mga panukalang may kinalaman sa mga kaba­baihan.

Marami rin ang naniniwala na makalulusot si Imee sa senatorial race dahil na rin sa suporta ng solid north at kabisayaan.

Lalo itong lumalakas dahil ang sentro ng kanyang programa at adbokasiya ay pagsuporta sa mga taga-kanayunan, lalo pa’t ang pagbibigay ng atensiyon sa agrikultura na magbibigay-daan para sa murang presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo ang presyo ng bigas.

Nais niyang mabigyan ng suporta ng mga lokal na pamahalaan ang mga magsasaka gaya ng pamamahagi ng mga binhi at pataba na magbibigay ng masaganang ani ng kanilang mga pananim na palay.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *