Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, kaliwa’t kanan ang projects ngayong 2019

HAHATAW ngayong 2019 ang young recording artist na si Rayantha Leigh sa kanyang showbiz career. Bukod sa kanyang third single, first album, bagong endorsement at pelikula, kasama pa rin siya sa season-2 ng Bee Happy Go Lucky bilang host na sa IBC 13 na mapapanood ngayong February.

Saad ni Rayantha, “Ngayong 2019, ire-release po ang bago kong single at ila-launch po ang aking album. Sana po ay magustohan din ito ng karamihan tulad ng aking nakaraang single. Ito po ay under Ivory Music and com­posed by Sir Kedy Sanchez. Ang title po ay Puro Papogi, ito po ay parang may nagkakagusto sa akin na puro siya papogi, pero ang gusto ko pong makilala ang tunay na siya.”

May bagong endorsement din na Halimuyak Perfume si Rayantha at sa February 17 ay kasama siya sa big event sa Taytay Town Fiesta, sa Taytay Mayor’s night. Magkakaroon din ng concert si Rayantha sa Tokyo, Japan this year at makakasama niya rito DJ Airene.

Mapapanood siya sa peliku­lang Unang Yugto bilang si Fairy Alona. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Moises Lapid. Tampok dito sina Lotlot De Leon, Martin Escudero, Kikay Mikay, at marami pang iba.

“As an artist po ang pinaka wish ko po talaga ay maging successful para maging proud po ang parents ko. Gusto ko pong mag-thank you sa walang sawang suporta nila sa akin kaya gagawin ko po lagi ang best ko,” nakangiting sambit ni Rayantha para sa parents na sina Ricky at Lanie.

Pahabol ni Rayantha, “Masaya po ako dahil kasama po ako sa season-2 ng Bee Happy Go Lucky. Thankful po ako sa SMAC Television Production sa pagtiwala sa akin. Ipalalabas po ang season-2 ng Bee Happy Go Lucky sa IBC 13.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …